Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Maruming laro

06 October 2019



Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang pinauwi si Labatt Jolly dela Torre ay parang nakalimutan na nating ipinaglaban siya noong nakaraang taon. Hindi ba nag-protesta pa tayo nong biglang i-recall si Labatt Jolly? Tinutulan natin ito dahil ang dahilan ay hindi niya pinapayagan ang legal na pagpasok ng mga Pinay para magtrabaho sa Wanchai. At hindi ba nakuha natin ang gusto natin dahil naibalik siya?

Dahil dito, may nagtanim ng galit laban kay Sir Jolly—  Hindi lang mga negosyanteng nawalan ng kita ang galit sa kanya dahil hinadlangan niya ang negosyong matatawag na human trafficking, kundi mga sarili rin niyang kasamahan na nawalan din ng komisyon mula sa raket na ito.

CALL NOW!

Nang maalis siya sa Hong Kong, binalikan agad siya. Naghanap sila ng butas, at nakita ang bagong kontrata para sa pagbibigay ng serbisyong computerized na pang-ayuda sa pag-process ng mga kontrata.

Ayon kay Labatt Jolly, naubos ang pasensiya ng mga taga POLO dahil hindi tinutugunan ng dating supplier ang mga kailangan nila. Dagdag dito ay may negosyo pa ito na puwedeng gumamit ng data na nakolekta sa dati nitong  serbisyo.


CALL OUR APPLICATION HOTLINE

Dahil sa isang liham ng isang grupo ng employment agencies na hindi nagpakilala, pinaimbestigahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang akusasyon na may katiwaliwan sa tinawag niyang “midnight deal”.

Ang kaso, natapos na ang imbestigasyon na hindi man lang tinanong si Labatt Jolly at, ayon sa press release ng DOLE, idedemanda pa siya base dito.

Call us!

Pero ang butas na nakita nila laban kay Labatt Jolly ay butas-butas.

Halimbawa, wala raw bidding. Pero ayon sa batas ng Pilipinas, hindi kailangan ang bidding kung wala namang babayaran ang gobyerno. Ang serbosyonf ito ay babayaran ng mga agency na gagamit nito. Gayun pa man, tumawag si Labatt Jolly ng apat na supplier, at isang panel na kasama ang mga taga-POLO at isang representative ng mga ahensiya ang pumili ng nanalo.

At bakit tinawag itong midnight deal  kung apat na buwan na itong napirmahan nang pinauwi si Labatt Jolly, at ilan ding buwan ang preparasyon para sa biddding?

Maliwanag na iniipit siya ulit. Bakit hindi ka umaalma?
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.















Don't Miss