Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Natakot ang ahensya

03 September 2019



Malaking pasasalamat ni Shane kamakailan dahil nabawi niya ang kanyang kontrata at pasaporte mula sa isang ahensya na pinipilit siyang magbayad muna ng $4,7000 bilang multa diumano sa pag back out niya sa kontrata.

May pinapirma kasi sa kanya na kasunduan na nagtatakda na magbabayad ang aplikante o ang amo ng halagang katumbas ng isang buwang suweldo kung mag back out ang isa sa kanila.

Ayon naman kay Shane, pinirmahan niya ang blangkong kasunduan na iyon nang magpa interview siya sa agency.

Pero pagkatapos siyang mahanapan ng amo ay biglang nagbago ang isip ni Shane na tanggapin ang alok na trabaho dahil may makakasama pala siyang isang Pinay din, bawal ang paggamit ng cell phone habang nagtatrabaho, at may CCTV sa loob ng bahay.

Call us!

Kaya bago pa pumirma ang amo ay nagdesisyon siyang sabihan ang agency na hindi na siya tutuloy sa pagtatrabaho dito.

Ngunit nang tangkain niyang bawiin ang kanyang mga dokumento ay sinabihan siya ng tauhan sa agency na hindi niya makukuha ang mga ito hanggang hindi siya nagbabayad ng $4,700.

CALL NOW!

Dahil alam niyang wala sa katwiran ang ahensya ay sinunod niya ang payo ng isang kaibigan na dumulog sa Philippine Overseas Labor Office o Polo. Pinayuhan din siyang magreklamo online sa Hong Kong Labour Department.

Sa tulong din ng kaibigan niyang ito ay nakilala nila at nalapitan ang isang staff ng agency na residente at kilala sa Filipino community.

Ito kasi mismo ang nagpakilala sa sarili bilang kinatawan ng agency nang minsang magkaroon ng pulong sa Konsulado.

Call now!

Pagkatapos niyang lumapit sa Polo ay tinawagan agad ng staff doon ang agency at binalaan na hindi na sila makaka process ng mga kontrata kung hindi nila ibabalik ang pasaporte at kontrata ni Shane.

Dahil dito ay ang agency na mismo ang gumawa ng paraan para maihatid kay Shane ang kanyang mga dokumento.

Tinawagan din siya ng isang tauhan ng Hong Kong Labour Department at inalam kung naibalik na ang kanyang mga papeles ng hindi nagbabayad ng ano mang halaga sa ahensya.

Sabi ni Shane, doon niya nalaman na hindi dapat matakot ang mga migranteng manggagawa sa mga panggigipit ng mga mapaglinlang na mga agency.

Kailangang isumbong sila at labanan para hindi na umulit. Mahalaga din na alam nila ang kanilang mga karapatan at handa silang ipaglaban ang mga ito. – Marites Palma

Don't Miss