Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Walang-wala

04 August 2019



Kaibigan ni Mando na taga Hong Kong si Ric na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Minsan ay naikukuwento ni Ric, 40, at taga Bataan, ang kahirapang pinagdaanan ng kanyang pamilya bago siya tumulak patungong Saudi.

Madalas daw silang nagdidildil ng asin ay basta may kanin ay nakakaraos sila.

Minsan na may nakita siyang siling labuyo ay tiniris daw niya ito sa tubig saka nilagyan ng asin at ginawang sabaw. Pagsubo ng kanin ay sabay higop sila ng mga anak.

BOOK NOW!

Nakisama naman ang kanyang mga anak, at panay ang sabi ng “sarap tatay” tuwing hihigop sila ng tubig na may sili.

Sa pinakikita nilang ganoon ay nangingiti si Ric kahit may nararamdamang kurot sa puso.

Dahil walang wala ay madalas na nangangalap lang daw sila ng mauulam sa kanilang bakuran at sa bakuran ng iba. Katuwang daw niya ang kanyang mga magulang minsan sa ganitong kalakaran.

Call us!

Medyo umayos ang kanilang buhay noong nasa Saudi na siya, pero madalas pa rin siyang maluha tuwing naalala ang mga pinagdaanan ng kanyang pamilya noong sila ay walang wala.

Sa tuwing nag vi video call siya sa kanyang mga anak ngayon ay pinapakita pa rin daw ng mga ito ang pagkahilig sa sili, pero marami na silang ulam.

CALL NOW!

Ayon kay Ric, ang ginhawa ay mahal din ang kapalit, ang malayo sa kanyang pamilya. Lubha daw siyang nalulungkot tuwing naaalala ang kanyang asawa at dalawang anak.

Pero kailangan pa niyang magtiis dahil gusto niyang umasenso ang susunod na henerasyon sa kanyang pamilya. Siya ay high school lang ang inabot kaya gusto niyang mapagtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo.

Sa kabila nito, alam daw ni Ric na mabait ang Diyos kasi kahit mababa ang kanyang pinag-aralan ay pinalad siyang makapag abroad. – George Manalansan
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
CALL US TODAY!













Call now!
Call us now!
CALL US!











Add caption
CALL NOW!
Don't Miss