Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Solong magulang

02 August 2019



Maagang nakapag-asawa si Weng at maaga din siyang nagkaroon ng anak. Sa kasamaang palad ay naging iresponsable ang kanyang kabiyak at iniwan pa silang mag-iina kaya napilitang mangibang bansa si Weng.

Mag-isa niyang itinaguyod ang dalawang anak na tatlong taong gulang at pitong buwan pa lamang. Tiniis niyang mawalay sa mga anak sa mura nilang edad pero wala siyang magawa dahil gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga pinakamamahal niyang mga anak.

Iisang direksyon lang ang tinahak ni Weng, ang mapaaral ang mga anak na lumaki na parehong matalino. Habang lumalaki sila ay lumalaki din ang kanilang mga gastusin pero hindi nawalan ng pag-asa si Weng na matatapos din ang kanyang paghihirap.

Call us!

Umabot ang maraming taon at nanatili pa rin sa ibang bansa si Weng para kumayod. Pero ayon sa kanya ay malapit nang matapos ang kanyang pag-atang ng responsibilidad sa mga anak dahil magtatapos na ang kanyang bunso sa kursong HRM-Tourism.

Nakapagtapos na rin yung panganay niyang anak na lalaki na kumuha ng kursong Criminology at nakapasa kaagad sa board exam, kaya umuwi siyang may malaking ngiti sa labi para sa dobleng selebrasyon- ang pagtatapos ng kanyang bunso at tagumpay ng panganay.

BOOK NOW!

Kabilang sa mga natuwa sa kanyang magandang kapalaran ang kanyang butihing amo na inimbitahang pumunta sa Hong Kong ang bunso ni Weng, ina at isang pamangkin. Regalo daw iyon ng amo sa pagtatapos ng pag-aaral ng bunso ni Weng.

Laking pasasalamat ni Weng sa Diyos dahil nalampasan niya ang hamon ng buhay.

Edad 21 taong gulang lang siya nang mag-abroad sa unang pagkakataon sa Middle East, hanggang lumipat siya sa Hong Kong.

CALL NOW!

“Ngayon ay lampas 40 na ako at matanda na,” pabungisngis niyang kwento.

Ngayon ay nag-uumpisa nang mag-ipon si Weng para sa sarili para hindi naman daw siya maging pabigat sa mga anak pagdating ng araw.

Walang kasing saya daw para sa inang katulad niya ang makita na nagtatagumpay ang mga anak, at maganda ang hinaharap.

Laking pasasalamat din niya sa kanyang mga magulang dahil sila ang nag-aruga at gumabay sa kanyang mga anak habang siya ay nasa malayo. Si Weng ay naninilbihan sa mga mababait niyang among Intsik na nakatira sa Kowloon. Siya ay 42 taong gulang at tubong Cagayan Valley. - Marites Palma
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
CALL US TODAY!













Call now!
Call us now!
CALL US!











Add caption
CALL NOW!

Don't Miss