Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sabit ang handcarry

09 August 2019


Kasama si Fe sa limang magkakaibigan na sabay-sabay umuwi ng Iloilo kamakailan. Sa kanilang lima, tanging si Fe ang hindi pinapasok sa departure gate dahil tatlo ang kanyang bitbit na handcarry.

Ayon sa bantay ay dalawa lang ang pwede niyang dalhin kaya napilitan si Fe na bumalik sa check-in counter kasama ang isa sa mga kaibigan dahil ang iba ay nakapasok na.

BOOK NOW!

Tinangka niyang i check-in ang isang handcarry pero hindi tinanggap sa counter dahil bukas ang bag at walang zipper.

Tulirong humingi ng tulong si Fe sa mga kapwa Ilonggo na nasa airport.

Call us!

Mabuti na lang at may isa sa kanila na may ekstrang backpack at binigay niya ito para gamitin ni Fe. 

Laking pasalamat ni Fe sa mga tumulong, at sinabi na isang malaking aral sa kanya ang nangyari.

Aminado siya na noong magtanong siya sa travel agency pagkatapos niyang bumili ng tiket ay sinabihan siya na dalawang piraso lang ang pwede niyang I hand-carry ngunit hindi siya nakinig dahil may kaibigan siyang nagsabi na pwede ang tatlo.

Call us now!

Pagpasok sa gate ay nahihiyang natatawa si Fe habang kinukuwento sa mga kaibigan ang nangyari.

Si Fe ay 32 taong gulang, dalaga, at taga Lok Fu sa Kowloon.

 Iyon ang unang pagbabakasyon niya sa kanilang bayan sa Jaro, Iloilo magmula nang magtrabaho sa Hong Kong. – Rodelia Villar
 ==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
Call us!
CALL US!
Call us now!
CALL US!



















CALL US! WE MIGHT BE ABLE TO HELP


Don't Miss