Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinagpala sa amo

17 August 2019



Pakiramdam ni Leoni, 46 taong gulang at taga Laguna, ay napakapalad niya sa amo. Nakatatlong kontrata na siya sa mga amo na taga Tiu Keng Leng nang ipagtapat niya na isa siyang lesbian, at may partner na inaapi ng amo.

Tumagal lang ng tatlong buwan ang partner niya sa amo nito dahil sobrang pagod sa trabaho, at laging binubulyawan ng mag-asawa at pati ng anak nilang babae na 9 na taong gulang pa lang.

Sa huling araw ng notice period nito ay hindi umuwi ang pamilyang abusado hanggang hindi umabot ng alas 10 ng gabi, at doon pa lang siya pinag-umpisang magtrabaho.

Call us!

Habang abala ay nilalapitan pa siya ng anak ng mga ito at sinisigawan ng “pangit ka” at “Stupid ka, umalis ka na ngayon para hindi na magbayad ang mommy at daddy ko.”

Gustong gusto na niya sanang bumaba para matahimik na siya pero pinigilan siya ni Leoni. Pina loudspeaker niya ang telepono nito para malaman ng kanyang mala-demonyong amo na may kausap siya sa kabilang linya na kakampi niya.

Call us now!

Ayon sa partner niya, sinabihan siya ng amo na tatawag sila ng pulis kung magpipilit ito na  umalis noong gabing iyon, at ginawa nga nila.

Noong unang buwan pa lang nito sa mga amo ay nabagsak ng anak nila ang teleono nito pero ibinintang sa katulong. Tumanggi ito pero nagpilit ang mga amo na bayaran niya ng $400.

Ang ginawa niya ay naghamon siya na tingnan ang CCTV kung sino talaga ang may kasalanan. Pagdating ng pulis ay pinakita nila ang CCTV pero hindi sila pinansin.

CALL US!

Nakiusap ang Pinay sa mga pulis kung pwedeng bumaba na siya noon din pero sinabihan siya na magtiis na lang dahil 24 oras na lang at laya na siya sa kanyang kontrata.

Habang kausap siya ni Leoni ay katabi nito ang kanyang among babae na kalaunan ay hiniling  na siya ang kumausap sa nasa kabilang linya.

“Keep calm and if you can take a video or photo, take some,” payo ng amo ni Leoni. Iiling-iling daw ito bago nagsabi ng, “Why are there people who are so evil?”

Hindi nagtagal ay umalis na ang mga pulis na walang nakitang kaso na maaring isampa sa Pinay. Lumabas ang totoo na ayaw lang nilang bayaran ang kasambahay.

Ayon kay Leoni, sa sobrang bait ng kanyang mga amo ay hinanapan pa nila ng bagong employer ang kanyang partner, at habang naghihintay ito na maubos ang 14 na araw na palugit bago umuwi ng Pilipinas ay pinayagan pang tumira sa kanilang bahay.

At dahil weekdays ang magiging day-off nito sa bagong amo ay sinabi pa nila na maari itong tumuloy sa kanilang bahay para magpahinga. Sabi pa ni Leoni, “Take note, sabi pa ni amo if magsawa ako sa kanila, si partner daw ang papalit sa akin. Oh, di ba may future na kami?”.

Hindi lang iyon, mismong ang amo niyang lalaki ang nag text kay Leoni kinabukasan, at nagbigay ng mga dapat gawin ng kanyang partner: “Remind two points 1. Don’t take anything from her working place even some cheap thing or non-value thing. 2nd before she leave the place check her personal luggage. Take photo of her money in her pocket; make sure that her money is her money.”

Sabi nga ni Leoni, “Hindi perpekto ang mga amo ko, pero …ang employer ko ay masasabi kong anghel sa lupa, both  husband and wife and their 8-year-old.” – Rodelia Villar
 ==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
Call us!
Call us!

CALL US!..
Call us!
Call us!
Call now!

CALL US NOW!
CALL US!

CALL US!










Don't Miss