Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Naninigurado

06 August 2019


Noong isang taon pa gustong dispatsahin si Labor Attache Jalilo dela Torre. Tinanggal na siya nang 2 beses, ngunit naibalik — noong una dahil sa people power ng mga OFW sa  Hong Kong, at noong pangalawa dahil bawal sa batas ang paglilipat sa kanya noong election period.

Ngayong nakatakda siyang ilipat sa Saudi Arabia, may gustong manigurado na paalis na talaga siya sa Hong Kong.

Kumakalat ngayon ang isang sulat para kay Labor Secretary Silvestre Bello III na nag-aakusa sa kanya ng katiwalian sa pagpapalit ng isang computer system sa POLO na ginagamit sa pagpapatupad ng alituntunin sa mga employment agency.

BOOK NOW!

Ayon sa nag-aakusa, ito raw ay hindi dumaan sa public bidding, at ang napiling kumpanya para sa kontrata ay malapit sa isang ahensiya, ang Fair Employment Agency.

Mali ang mga bintang.

Halimbawa, napili ang gagawa ng system matapos imbitahan ang mga may kakayahang gumawa nito, kasama na ang kasalukuyang provider ng serbisyo. At ang inaakusang taga Fair ay wala na palang koneksyon dito bago pa mag-bidding.

Call us!

At sa pagbabasa ay nakita naming mas mahigpit pa ang kontratang ito kesa sa papalitan nito.

Sa likod nito, ang sistema ay matagal nang reklamo ng taga POLO dahil mabagal, kulang-kulang at hindi na tugma sa kanilang pangangailangan.

Isa pang kontrobesiya na ikinakabit kay Labatt Jolly ay ang paglalathala sa mga pahayagang Pilipino ng notice ng mga ahensiyang gustong magpa-accredit sa POLO. Pinaboran daw nito ang The SUN, samantalang ang paliwanag ni Labatt ukol dito — upang malaman kung may atraso sila sa mga OFW — ay inilathala ng kabilang dyaryo, na nakakuha rin ng ganitong anunsiyo.


CALL NOW!
Linawin po natin: walang kinalaman ang The SUN sa paggawa ng patakarang ito, at kami man ay nagulat nang magdatingan ang mga ahensiya, kaya bilang tulong, nagbigay kami sa  kanila ng malaking discount.

Walang duda na dahil nililinis ni Labatt Jolly ang recruitment sa HK, ang tingin ng ilan ay balakid siya sa kanilang kalokohan. Tandaan natin ang sinabi ni Yorme Isko Moreno ng Manila matapos niyang linisin ang Divisoria: “Kapag ang Divisoria napuno uli, kayo na mag-isip na nalagyan ako.”
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
Call us!

Call us now!
CALL US!












Add caption

CALL NOW!
Don't Miss