Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lulong sa laro ang anak na naiwan

09 August 2019



Dismayado si Lisa nang malaman na hindi sinunod ng nag-iisa niyang anak na nasa Year 11 ang bilin niya na mag-aral ng mabuti at huwag atupagin ang paglalaro ng mga games sa kanyang cellphone.

Nais umuwi ni Lisa para kausapin ang anak nang masinsinan pero hindi siya pinayagan ng kanyang amo.

BOOK NOW!

Ang ginawa niya ay tinawagan ang anak at binalaan na uuwi na lang siya at sayang lang ang perang pinapadala niya buwan-buwan para panggastos.

Bahala na kung hindi makapagtapos ng pag-aaral ang anak.

Hirap na hirap si Lisa sa pagpapaliwanag sa anak tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, dahil kahit galit na siya ay ayaw pa ring makinig sa kanyang pangaral.


Call us!
Ang asawa niya ay hindi rin nakakatulong sa pagbabantay sa anak at laging dinadahilan ang pagbibyahe ng traysikel.

Pagkatapos nito ay dinala si Lisa ng kanyang mga amo sa China ng dalawang linggo, at ginawa niyang dahilan ito para hindi siya makontak ng kanyang mag-ama.

Sinabi niyang hirap siyang maka-konekta sa internet doon, pero ang totoo ay palihim siyang nakipag-ugnayan sa kanyang mga magulang para kamustahin ang anak.


Call us now!

Nakiusap siya sa kanila na kung maari ay kausapin nila ang bata at sabihin na wala siyang sahod sa China, at baka matauhan na ito.

Laking tuwa niya nang sa muli nilang chat ay sinabi ng kanyang mga magulang na iniiwan na ng bata ang kanyang telepono sa kanyang lola bago pumasok sa paaralan, at kinukuha na lang muli sa hapon kapag tapos na ang homework.

Dinadasal ngayon ni Lisa na sana ay magpatuloy na sa pag-aaral ng mabuti ang kanyang anak para hindi masayang ang kanyang pinagpaguran sa Hong Kong. Si Lisa ay 43 taung gulang, tubong Cavite at nagtatrabaho sa Sheung Shui. – Rodelia Villar
 ==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
Call us!
CALL US!
Call us now!
CALL US!



















CALL US! WE MIGHT BE ABLE TO HELP
Don't Miss