Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Wala kang magawa?

04 July 2019



Hindi natin masisisi ang ilang kapwa natin OFW na sa tuwing Linggo ay naglalatag ng karton sa mga tabi-tabi sa Central upang maghapong humilata. Hindi natin alam, baka kulang sila sa tulog sa nakaraang anim na araw. Hindi natin alam na baka sa anim na araw na iyon ay wala silang ginawa kundi salagin ang masasakit na salita ng kanilang amo, o tiisin ang masamang pakikisama sa kanila ng sarili nilang pamilya sa Pilipinas.

Bakit nga ba natin ipagkakait ang isang araw na ang pahinga mula sa kanilang dinadala, mula sa kanilang kalungkutan?

Pero hindi naman lahat ay ganito.

CALL NOW!

Karamihan ay masaya sa pagtatrabaho sa Hong Kong. Sa kaunti nilang kinikita (kung ikukumpara mo sa kita ng mga taga rito), nakapag-pupundar sila ng bahay o bagong kabuhayan, o unti-unti nilang nailalapit ang sarili sa kanilang mga pangarap.

Para sa kanila, sayang ang oras kung gugugulin lang na nakahilata.

Mapapansin mo sila tuwing mga espesyal na araw sa Central, gaya ng selebrasyon ng ating paglaya bilang bansa. Sa Chater Road, halimbawa, may nagbibigay ng libreng masahe. Ilang mga nag-aral ng nursing ay nagbibigay ng first aid, libreng blood pressure check o kahit mga payo sa mga kapwa Pilipinong alam nilang nanganganib na magkasakit. Alam mo ba, halimbawa, na halos kalahati ng mga OFW sa Hong Kong ay may alta presyon at nanganganib na magkaroon ng sakit sa puso?

Call now!

Marami sa makakasalubong mo ay may layunin, kahit ba ang papel nila ay magbibigay lang ng isang dance number. Bago sila i-rampa, ika nga, makikita silang seryosong nag-eensayo.

Dagdag pawis sa araw ng pahinga?

“Nabubuhay kasi ang dugo ko kung nakakapag-silbi,” sabi ng isang volunteer sa nakaraang Kapagyawan. “Ang mas mabuti, nalilimutan ko ang mga problema.”

May iba rin na hindi na naghihintay ng espesyal ng araw upang mag silbi, gaya ng mga admin at kasapi sa isang Facebook group, ang Domestic Workers’ Corner. Araw-araw, oras oras, handa silang magbigay ng tulong sa nangailangan, payo sa naguguluhan, at gabay sa naliligaw ng landas.

Para sa kanila, masarap ang pakiramdam kung nagsisilbi sa kapwa. Sana madiskubre mo rin ang kaligayahang kanilang nadaama.
===
   I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL NOW!
Don't Miss