Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tax sa padala

31 July 2019


Hindi akalain ni Marissa na pagbayarin siya ng tax para sa limang bagong cell phone na ipinadala sa kanya ng isang kaibigan nang umuwi siya sa Pilipinas kamakailan.

Hindi siya pinayagan ng Cebu Pacific na I hand carry ang kanyang maliit na maleta kaya napilitan siyang i-check in ito.

Doon nalaman na may lamang limang bagong telepono ang kanyang bagahe.


Call us!

Pagdating niya sa Iloilo Airport ay sinabihan siya sa customs na kailangang niyang bayaran ng tax ang mga bagong gadgets.

Walang nagawa si Marissa kundi bayaran ang mahigit na Php1,300 na siningil sa kanya para sa tax, na may kalakip namang resibo.



Umaasa siya na ibabalik sa kanya ng nagpadala ang perang binayad niya, lalo at may resibo naman siyang ipapakita.

Mabuti na lang at may dala siyang sapat na peso kaya hindi na siya natagalan sa airport.


Call us!

Sa kanyang pagtatanong- tanong, nalaman niya sa talaga palang sinisingil ang mga bagong gamit na ipinapasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa dahil hindi ito sakop ng mga tinatawag na “personal effects” na hindi kailangang bayaran ng buwis.

Naging isang aral ito kay Marissa, 35 taong gulang, may asawa’t isang anak at kasalukuyang nagtatrabaho sa Yuen Long. - Rodelia Villar

==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss