Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Magnegosyo ay hindi biro

20 July 2019

Nanguna ang “Banana Q business plan” sa anim na grupong nagbalangkas ng plano.

Ni George Manalansan

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsasagawa ng libreng pagsasanay para sa mga migranteng Pilipino ay nagdaos ang Card Hong Kong Foundation ng isang entrepreneurship seminar noong ika-7 ng Hulyo sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town.

Ito’y tugon sa kahilingan ng mga nagtapos ng financial literacy workshop ng Card, at nagbababalak magnegosyo, o kaya ay mayroon nang negosyo nguni’t gusto pang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Ayon sa isang organisasyon ng mga mga negosyante sa buong mundo, walo sa bawat 10 na sumasabak sa negosyo ang nabibigo sa unang mga taon ng operasyon, at isa lang ang nagtatagumpay sa paglipas ng limang taon. Ang tanong na bakit ito nangyayari ang binigyang tugon ng mga trainor ng Card.

Call us!

Isa sa mga trainor ang tumalakay ng mga kailangang gawin at tugunan, mula sa paggawa, hanggang matapos ang isang produkto.

Pati ang paraan ng pagpapalawak ng negosyo ay tinalakay, gaya nang kung babuyan ang negosyo mo, maaring ikaw na rin mismo ang gumawa ng by products katulad ng tocino at longganisa. O kaya ay pabaligtad naman. Kung ang negosyo mo ay ang paggawa ng longanisa at tocino, maaring ikaw na rin ang magtayo ng iyong sariling babuyan para mapanatili ang kalidad ng produkto mo, at masiguro na may lagi kang suplay ng gagamitin para ditto.

Call us now!

Turo ng isa pang trainor, dapat ay malinaw ang layunin ng pagnenegosyo. Bagamat pang sarili at pang pamilya ang negosyo may benepisyo din ito sa komunidad, gaya ng pagbibigay trabaho sa mga manggagawa.

Aniya pa, dapat ay taglay ng isang magnenegosyo ang mga kaukulang katangian, katulad ng sapat na kaalaman, determinasyon, positibong pananaw, at ang pagkakaroon ng magandang sistema o pamamalakad. Importante ang mga ito para magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyo at produkto.

Ang mga sumali sa Card Hong Kong Foundation Entrepreneurship workshop. at kanilang mga trainor.


Ang sumunod na tinalakay ay ang paggawa ng business plan na ayon sa sangkap na inilahad ng tagapagturo. Mula sa 69 na OFW na lumahok, anim na grupo ang nabuo. Bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na gumawa ng plano para sa negosyo, at pagkatapos ay magpaliwanag sa harap ng ibang kasapi kung tama ang kanilang ginawa.

Sa isinagawang patimpalak sa mga grupong sumali, lumabas na panalo ang grupo na “ Banana Q” brand dahil maràmi ang tama sa isinulat ng mga kasapi, bukod pa sa pagiging maka masa nito. Ayon sa mga hurado palatandaan ito na ang planong negosyo ay papatok at kikita.



Isa sa mga dumalo si Arlene Ayson na nagsabi na ang pananaw niya sa pera ay nabago ng finlit seminar na nauna niyang daluhan. “Hiwalay na agad ang para sa ipon bago gumastos”, payo niya Mula dito ay naisip niyang sumali sa talakayan tungkol sa pagnenegosyo dahil wala daw siyang ideya tungkol dito.

Si Anabelle Reputaso naman ay may mini grocery na daw at ang ina niya ang nangangasiwa dito. “Dumalo ako ngayon para malaman kung paano  ma expand ang negosyo ko” ani Reputaso.

Call now!

Malungkot na ibinahagi naman ni Virgie Argel na nawala ang lahat ng ipinasok niya sa CAP educational plan nang bigla itong nagsara. Mula noon ay takot na daw siyang mag invest.

Ang isang natutunan daw niya sa Card ay dapat na aksyunan ang mga ninanais na makamit.

Naranasan naman ni Juliet Bustillos ang magkaroon ng patong patong na utang dala ng pangangailangan, pero ngayon ay malinaw na sa kanya kung paano niya pagkakasyahin ang kanyang suweldo. Todo iwas sa utang na din siya.

Karamihan sa dumalo ay iisa ang mithiin, ang maging boss sa sariling negosyo kapag sila ay bumalik na sa Pilipinas.

Para sa susunod na libreng skills training, financial literacy workshop at entrepreneurship seminar, hanapin lang ang Facebook page ng Card Hong Kong Foundation.
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Don't Miss