Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kinupit na padala

31 July 2019


Hanggang ngayon ay nagngingitngit sa inis si Sien sa dating kaibigang si Karen na hindi binalik ang mga gamit na ipinakipadala niya noon para sa kanyang pamilya sa Antique.

Pati ang $500 na ibinigay niya bilang parte sa pagbili ng additional baggage ni Karen ay hindi na rin isinoli sa kanya.

Ayon kay Sien, umuwi si Karen noong June 6, at nagkasundo sila na maghahati ng para sa 20 kilos na gustong idagdag ng huli para sa kanyang bagahe.

Pati ang maleta ni Sien ay ipinahiram niya, at hinatid kay Karen, laman ng kanyang mga padalang shampoo, lotion, chocolates at iba pa.


Call us!

Gabi ng June 5 nang sabihin daw sa kanya ni Karen na hindi ito nakakuha ng additional 20 kilos na baggage, kaya hindi na nito madadala ang mga pinapadala ni Sien sa kanila.

Gayunpaman, may ilang piraso ng gamit na padala ni Sien, na tumitimbang ng mga 2 kilos, ang dinala ni Karen at ibinigay sa pamilya nya.

Pero pagkatapos nito ay hindi na daw nagpakita si Karen, at hindi na din ibinalik ang natira sa kanyang mga pinadala.


Call us!

Sa galit ni Sien ay nag post siya sa Facebook tungkol sa ginawa ni Karen.

Dahil dito ay siya naman ang binalikan ng pamilya ni Karen, at binantaan pa na kakasuhan siya.

Ayon kay Sien, ang gusto lang naman niya ay maibalik sa kanya o mabayaran ang mga gamit na hindi naman binigay ni Karen sa kanyang pamilya.



Dagdag pa niya, ginawa na din ito ni Karen sa kanya dati, noong nasa Pilipinas pa sila. Pinahiram din daw niya ito ng pera, pagkatapos ay tinaguan din siya imbes bayaran.

“Akala ko kasi nagbago na at matagal ko na din kasi siyang kakilala,” sabi pa ni Sien.

Pinayuhan naman siya ng mga ka-miyembro sa isang online group na lumapit sa Konsulado para magpatulong na pagharapin sila ni Karen at nang mapilitan din itong bayaran ang mga inutang.

Mayroon naman kasing maipapakita si Sien na chat nila ni Karen, kung saan malinaw na may mga pinadala siya dito na hindi nakarating sa kanyang pamilya.

Huwag na lang daw niyang siraan ito sa Facebook dahil baka mas lalo pang lumala ang kanilang hidwaan. - DCLM
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss