Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Isulat ang iyong pangarap

31 July 2019

Ang bagong batch ng nagsanay.


Ni George Manalansan

Ito ang madalas sabihin ng mga tagapagsanay ng Card Hong Kong Foundation sa mga sumasali sa kanilang financial literacy workshop. Kailangang gumawa kayo ng “goal-setting worksheet” para mas maging klaro, makatotohanan at may nakatakdang panahon ng katuparan.

Ayon sa trainor na si Emelia Dellosa, apat lang sa 44 na migrante na dumalo sa kanilang pinakahuling libreng pagsasanay sa paghawak ng kaperahan noong ika-21 ng Hulyo ang gumagawa ng ganitong paglilista. Ang karamihan ay nangangarap lang kaya nananatiling pag-asam lang ang kanilang pangarap. Sa pabirong salita, sinabi niyang “hanggang drawing” lang ang gusto nilang mangyari.

Naging malaking hamon naman sa mga dumalo ang ilista ang kanilang pangarap sa buhay para may laging nagsisilbing paalala sa kanila kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang buhay habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.


Call us!

Bahagi ni Michelle Arcena, gusto niya talagang matuto ng ibang pagkakakitaan sa buhay, at naniniwala siyang 90% ng dapat gawin para matupad ito ay ang sumali sa mga pagbabahagi ng kaalaman katulad ng ginagawa ng Card.

Dati daw na OFW ang kanyang nanay at tanging long service payment lang ang nadala nito nang siya ay mag “for good.” Wala pa daw financial literacy noong panahon na nasa abroad ang kanyang ina kaya hindi ito natuto na mag-ipon at humanap ng ibang pagkakakitaan.

Ang kanya daw natutunan, ani Arcena, ay dapat na alamin muna ng isang migrante ang kanyang sarili. Ano ang kanyang mithiin sa buhay at paano niya ito isasakatuparan.

Natutuwa si Arcena na kapwa niya manggaggawa ang mga trainor kaya alam na alam nila ang saloobin ng bawat isa, kaya naging masaya talakayan. Balang araw ay gusto din daw niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa kapwa.


Call us!

Ayon naman kay Jasmin Mendeja na 15 taon na sa Hong Kong, taga Mindoro at solong magulang, ang nais niya ay matuto kung paano niya dagdagan ang kanyang mga naipundar, paano magtipid at pag-aralan maigi ang pamumuhunan. Napagtapos na daw niya ang kanyang mga anak kaya gusto naman niyang pagtuunan ang pagpaplano para sa sariling kinabukasan.

Tuwang-tuwa naman si Lilibeth Naval, taga Davao at anim na taon na sa Hong Kong, dahil naging bahagi siya ng pagsasanay ng Card. Na “educate” daw siya ng husto, at ang paborito niya sa mga naging usapin ay ang pagpapalago ng kita at kung paano makaiwas sa mga scam.

Para kay Azel Camba naman na 16 taon na sa Hong Kong, malaki ang naging dagdag kaalaman niya tungkol sa pagba budget.

Dati ay bigay-todo daw siya sa kanyang pamilya ngunit dahil sa kanyang natutunan ay babaguhin na niya ang kalakarang ito.

Naging mapagbigay daw siya dahil gusto niyang pagtakpan ang hindi niya magawa magmula nang siya ay umalis ng bansa. Ang buong taong kita niya ay ibinuhos niya sa pamilya ng dahil lang dito.



Madalas na sinasabi ng mga dumalo sa pagsasanay ng Card na naliliwanagan sila kapag narinig ang mga dapat gawin tungo sa kalayaan sa kakapusan.

Palibhasa ay mga migrante din ang nagtuturo at hindi nagbebenta ng kahit anong pagkakakitaan kaya palagay ang loob nila na patas ang mga itinuturo sa kanila tungkol sa mga posibleng panganib sa pamumuhunan.

Para sa mga susunod na pagsasanay na dulot ng Card, magtungo lang sa kanilang Facebook page: Card Hong Kong Foundation
==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss