Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Huwaran si Labatt Jolly, ayon sa mga lider ng Filcom

12 July 2019

Part 3 of a series
Labor Attache Jalilo de la Torre


Ito ang mga nakalap naming komento tungkol kay Labor Attache Jalilo de la Torre.

Congen Tony Morales –  “Ito ay pangwalo kong assignment sa iba’t ibang bansa sa mahigit 20 taon pero ngayon lang ako nakakita na ang community ay nagkaisa para i-request ang extension ni Labor Attaché… Sa Saudi Arabia maraming Pilipino rin na nangangailangan ng tulad ni Labatt at gusto siyang dalhin doon. Siguro ganun talaga kung maganda ang trabaho mo, dadalhin ka sa lugar na…magaling magtrabaho ito, dito natin dalhin. Kaya mahirap din minsan ang magaling magtrabaho.”

ALA Tony Villafuerte – “We are fortunate dahil dumating siya dito sa Hong Kong at marami siyang nagawang kabutihan para sa mga OFW, wala nang inisip iyan kundi ang inyong kapakanan.”

Rodelia Pedro, Domestic Workers Corner – Dahil isa si Sir Labatt sa members naming (sa Facebook group), in case of emergency, nandiyan siya lagi… willing siya laging mag-help sa amin. Thank you for helping our outreach sa mga simbahan, so we have 11 churches already for the medical mission.

Elaine Espinosa, MinFed – “Ang pinakatatay namin sa MinFed (Labatt Jolly founded the organization during his first posting in HK in 1998). Thank you so much sa..alam mo na, sa lahat-lahat. Good luck and God bless you always.”

Reggie Buen, Luzon Alliance – “Sir, nalulungkot kaming lahat sa pag-alis mo. Sana huwag nyo kaming makakalimutan dito sa Hong Kong dahil mahal na mahal ka namin.”

Nerissa Gimena, One Visayas – “Marami sana akong sasabihin kay Sir pero sabi nila, one second... Sir, ikaw pa naman ang tatay namin, alisan mo na kami.”


CALL NOW!

Wilma Carigada, South Cotabato Migrants Association – “Masakit isipin na aalis na si Sir, kasi bagong organized kami na group, pangalawang induction namin, siya ang nag-induct sa amin… everytime na may problema kahit gabi, lagi siyang naka-online, mag-message ka, talagang nagre-reply siya. Kaya yun ang mami-miss ko na kailangan nating mga OFW dito sa Hong Kong.”

Dolores Balladares, Unifil-Migrante –  “Lahat tayo ay nagkakaisa sa pagtingin na walang limited, walang bagong isyu sa pagtulong ni Labatt sa ating mga OFW. Iyan kahit gabi na basta hindi pa natatapos ang trabaho, kahit day-off, pupunta iyan sa opisina para tulungan ang ating mga kababayan sa pag-rescue, kahit maysakit, nakikipag dayalogo tungkol sa aming migrants’ agenda. Ang Unifil naman ay kilala ninyo, kami ay laging nagpuprotestsa sa Konsulado at sa office din ng Polo upang ihapag ang mga isyu natin bilang migrante, at sa kauna-unahang pagkakataon, sumama kami sa protesta hindi para tuligsahin ang mga ginagawa ng isang empleyado kundi para manawagan sa pagpapabalik sa kanya nang siya ay tinanggal sa pagseserbisyo sa atin. Ibig sabihin lang po siya ay isang huwaran, isang mahusay na kawani ng gobyerno si Labatt na magandang tularan ng iba pang mga nagseserbisyo sa gobyerno. Alam namin na kahit saan si Labatt pupunta, dadalhin niya yung prinsipyo ng pagtulong sa kapwa naming migrante at yung tunay na paglilingkod sa mga kapwa migrante at sambayanan.”

Sheila Tebia of Gabriela  —  “Nagpapasalamat kami sa inyong pagsuporta sa mga isyu ng mga OFW, lalung-lalo na sa mga isyung pangkababaihan bilang mga dominanteng manggagawa dito sa Hong Kong. Ang inyong pakikiisa sa aming mga panawagan para mai-ban ang window cleaning at suportahan ang aming panawagan (ay) we really appreciate it…”

CALL US!

Vir Lumicao of The SUN – “Nakita natin na ang paglilingkod niya ay taos sa puso at binago niya ang pagtingin natin sa isang empleado ng gobyerno na hindi maganda… sana yung papalit kay Labatt ay gagaya sa mga nagawa niya, susunod sa kanyang yapak, hindi babalik sa dati na parang dinala yung culture of corruption sa Pilipinas dito sa Hong Kong…kapag nangyari ang ganun, sana magkaisa tayong lahat na mga manggagawa para igiit ang ating mga karapatan, at magmatyag tayong mabuti. Tingnan natin na ang serbisyong ibibigay nila sa ating mga manggagawa ay yung karampatan natin, hindi yung maging sunud-sunuran sila sa kagustuhan ng mga agency.”

Eman Villanueva of Bayan Muna HK and Macau – “Nasabi nyo na lahat eh. Ang sasabihin ko na lang, kaming mga aktibista kasi, meron kaming motto, yung “Serve the people”, yung paglingkuran ang sambayanan. Siguro iyon ang naglapit sa amin kay Labatt Jolly dahil sa panahong inilagi niya rito, nakita namin na ang kanyang tapat na paglilingkod sa OFW. Siguro lagi nyo kaming nakikitang nagpuprotesta rito kung siya ay masama ang ginagawa niya.  Baka nakita nyo kaming nagpuprotesta para palayasin siya kung nagkataon. …Yung pinaka-last niyang sinabi sa akin, kasi meron kaming tinulungan na OFW na sinisingil ng agency fee, tapos kinansel niya ang lisensiya nung agency hanggang sa hindi nakarating dito yung sinisingil. So sabi ko, natutuwa ako dahil natulungan natin yung OFW. Pero nalulungkot ako na dumaan sa ganyan para lang isalba ang isang OFW, samantalang kung maahyos ang system, hindi iyon dadanasin ng tao. Ang sabi naman  niya, ‘huwag kayog mag-alala, kahit umalis kasi ako ditto, nandiyan naman kayo.’ So ang message siguro sa ating lahat, kung ano ang mga reforms na pinatupad sa POLO, tungkulin na nating mga OFW na bantayan na manatili yung ganyan, huwag bumalik yung kalakaeran an ang nananaig ang interes ng mga recruiter, hndi interes ng mga OFW. At dapat handa rin tayong pumunta sa lansangan para iprotesta kung manumbalik ang

Art Buban of Bicol Migrants Association – “Malaking kawalan yung pag-alis ni Labatt, sana makabalik ka pa rin.”

Marites Nuval, president, Global Alliance HK – “Sir, naranasan ko ang pagwelga at naranasan ko rin ang malagay sa watchlist noong dumalaw dito si Pangulong Duterte dahil lang po doon sa rally….mami-miss naming ang pagtulong mo sa amin sa computer room... ipagpapatuloy po namin ang pagtulong sa kapwa namin, ganun din po sa PCG, nandiyan lang po kami, Global Alliance in action.”

Leo Selomenio, chairman, Global Alliance – “Kung anuman ang (landas na) tatahakin ni Sir, babaunin mo ang pagmamahal namin sa iyo. Ikaw, pinahalagahan mo kami bilang mga katulong, ikaw ang nagbigay sa amin ng lakas kung paano kami (dapat) lumaban…This is not a goodbye, ito ay good luck at sana magkita uli tayo one day.”

Message from Domestic Workers Corner, Labatt Jolly’s partner in his Outreach Project:
Thank you, Labatt Jolly
Mahirap man tanggapin ngunit isang malungkot na balita ang pag-alis ni Labor Attache Jalilo dela Torre sa Hong Kong.
Isa ang DWC (Domestic Workers Corner) sa mga natulungan ni Labatt Jolly dahil sa kanyang HealthWise Program na nagbigay daan para ang mga member na malapit sa lugar kung saan ito idinadaos ay makapag pa check up ng libre, o matulungan sa pagkuha ng OEC.
Maraming miyembro din ang natulungan ni Labatt Jolly nang personal, lalo na yung mga may seryosong kaso at diretsong humingi ng tulong.
Hindi madaling humingi ng tulong sa kahit na sino, lalo pa sa isang mataas na opisyal ng gobyerno pero iba si Labatt dahil may mabuti siyang puso. Isang salita lang ng isang nangangailangan ay agad siyang tumutulong kahit wala siya sa opisina dahil public holiday o siya ay nasa bakasyon.
Si Labatt ay isang halimbawa ng totoong public servant dahil makikita mo sa kanya ang tunay na pagsisilbi sa mga OFW. Isa siyang huwaran.
Isa ang aming founder na si Rodelia Villar sa mga malaki ang paghanga kay Labatt Jolly dahil nabigyan siya ng inspirasyon na tumulong ng lubos at tapat sa kapwa niya OFW.
===
     I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL NOW!
Don't Miss