“Hindi patas ang batas sa paggawa!” Iyan ang nasambit ni Dolpo, 57, drayber na taga Pampanga. Nagpanting kasi ang kanyang mga tenga nang sabihin ng kanyang amo na susundan nito ang minimum pagdating sa pagbabayad ng long service payment. Ibig nitong sabihin, kapag si Dolpo ang nagbitiw o umayaw sa trabaho ay wala siyang makukuhang LSP mula sa amo, kahit 20 taon na siyang naninilbihan.
Si Dolpo ay dumating sa Hong Kong noong 1994 at nagpalipat-lipat ng employer hanggang nitong huli ay pumirmi siya sa iisang amo at tumagal ang 10 kontrata. Mabait naman ang kanyang mga amo ngunit ngayon lang niya napagtanto na hindi pala ito makatao. Yung iba kasi ay nagbibigay ng kusa, lalo at matagal at tapat na nanilbihan sa kanila ang kanilang trabahador.
CALL NOW!
Dahil lagi siyang nakaantabay sa mga balita, alam naman ni Dolpo ang nakatakda sa batas tungkol sa LSP. Ang isang manggagawa sa Hong Kong, domestic worker man o hindi, ay makakatanggap lang ng LSP kung:
• nanilbihan siya ng hindi kukulangin sa 5 taon na tuloy-tuloy;
• kung siya ay pinaalis o hindi na itutuloy ng employer ang kontrata, maliban lang kung may ginawang malubhang masamang asal ang manggagawa;
• may patunay ang isang rehistradong doktor na hindi na niya kayang gampanan ang kanyang trabaho;
• umabot siya sa edad 65
• namatay siya habang nanilbihan.
Call now!
Himutok ni Dolpo, kahit ganito rin ang patakaran sa mga nagtatrabaho sa opisina, mayroon naman silang MPF o mandatory provident fund, kaya sa kanilang pagtanda ay may ipon pa rin sila mula sa pwersadong ambagan nila at ng kanilang kumpanya.
Yung sa SSS naman sa Pilipinas e maganda nga ang benepisyo, pero ang pwersadong mag-ambag ay ang manggagawa lang.
Ganito din ang sentimyento ng kasama niyang kasambahay, na halos kasabayan niya sa paninilbihan sa mga amo. Lagi nilang napag-uusapan kung dapat na ba silang umuwi para magsimulang muli sa Pilipinas, kahit alam nilang wala silang makukuha kahit isang kusing.
Masama ang loob ni Dolpo dahil hindi na siya bata, at gusto na niyang umuwi para makasama nang muli ang pamilya. Gusto din niyang magnegosyo dahil sawa na siya na may amo, lalo at kasama pa niya ito sa bahay.
Namulat kasi ang isip niya dahil sa pagsali niya sa iba’t ibang seminar na tumatalakay sa pagnenegosyo. Alam niya na kung papalarin at pagsisikapan niya ng husto maaari siyang umunlad sa maiksing panahon. Kalayaan sa pangangamuhan kumbaga, sabi niya sa isang kaibigan. – George Manalansan
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL NOW! |