Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Reyna ng Sablay

04 June 2019



Sa dami ng kapalpakan sa trabaho ni Jenjen, 44, ay talagang nasukat ang kabaitan at pagka-maunawain ng kanyang employer. Kahit laging mali ang kanyang mga ginagawa ay pinagtiyagaan pa rin siyang turuan hanggang siya’y matuto.

Ang isa sa mga unang sablay niya ay nang magprito siya ng pak choi o pechay, na nasobrahan niya ng timpla ng asin. Pagkatikim ng pobreng amo ay napangiwi ito sa alat pero hindi nakuhang magalit. Sa halip ay kumuha na lang ito ng tubig sa mangkok at doon isinawsaw muna ang gulay bago isubo.



Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Minsang pinag-steam naman siya ng manok ay naisipan niyang maging wise. Nakakita kasi siya ng isang buong manok sa palengke na na-steam na kaya naisip niyang bilhin na lang iyon at huwag pahirapan ang sarili. Pagdating ng amo ay agad na idinampi ang palad sa manok, sabay tanong ng, “Why is it cold”? Sagot ni Jen, “Ma’ m I steamed it long time ago”. Umalis ang amo na tahimik, pero sa wari ni Jen ay nakahalata ito. Sablay na naman, sabi niya sa sarili.

CALL NOW!


Ganoon din ulit ang ginawa niya minsang pagawain siya ng dumpling. Naisip niya kasi na wala namang pinag-iba kung gagawa siya o bibili sa supermarket. Kinaumagahan ay inihain niya ito sa hapag kainan at pagtikim ni kulasa ay nalasahan agad na frozen ito. Inamin naman niya agad ang mali at nag-sorry. Muli, sinabi lang ng among mabait ay huwag na niya itong uulitin.

Ang sumunod niyang kapalpakan ay noong pinag-steam siya ng garoupa. Dahil sa laki at kapal ng isda ay hindi masyadong naluto ito. Nang ihain niya ay nakita agad ng amo niya ang dugo kaya agad na pinabalik sa steamer para iluto muli. Bukod dito ay wala nang sinabi pang iba ang mabait niyang employer, kaya naisip niyang sobrang suwerte niya talaga.

Call now!

Marami pa siyang naging sablay sa nagdaang mga buwan, pero ngayon ay panay “thumbs up” na raw lagi sa kanyang amo ang kanyang mga pangungusina. Dahil mabait, dinagdagan na ang kanyang suweldo para sa kanilang susunod na kontrata.

Ang isa pang ikinatutuwa niya ay ito: “Ang sarap pala sa pakiramdam kapag laging ubos ang niluto mo!”

Si Jen ay isang Ilokana at sa Shatin, New Territories naninilbihan. – George Manalansan
===
 I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Don't Miss