Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pulis?

08 June 2019


Matagal na naming napapansin  ito, pero dahil walang pormal na reklamo, pilit naming ipinagwawalang-bahala. Pero dumating na ang hinihintay naming pagkakataon.
Ang tinutukoy namin ay walang iba kundi ang hindi patas na pagtrato ng mga pulis sa mga OFW.

Kamakailan ay nagkaroon kami ng pagkakataong maisulat ang tungkol dito nang batikusin ng isang hukom ang mga pulis sa isang kasong dinesisyunan niya.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Binigyan kasi ni District Court Judge Stanley Chan ng parusang sampung buwan na pagkakakulong ang isang Pilipina pagkatapos aminin nito na siya ang nagsangla ng mga alahas ng amo ng kakilala niyang Indonesian.

Lumabas sa imbestigasyon na ang nagnakaw ay ang Indonesian. Kaya nagtaka ang hukom kung bakit inaresto ang Pilipina na nagsanla lamang, samantalang ang mismong nagnakaw ay hindi.

Ilan na bang malalaking kaso ang dumaan sa pulisya at hindi naresolba nang maayos?

Call us now!

Natatandaan mo pa siguro ang mga kaso ng PEYA Travel, Emry’s Employment Agency, Natino at Limestone Employment?

Maraming OFW ang nabiktima, pero hanggang ngayon ay wala pa ring bunga ang imbestigasyon. Kaya ang panloloko ay paulit-ulit.

Kung may mga kasong inuupuan, mayroon ding mabilis umaksyon ang pulis laban sa OFW, lalo na kung ang nasa kabilang panig ng kaso ay kanilang amo.

Call now!

Halimbawa, nagkasagutan ang isang Pilipina at ang tumatayo niyang amo (iba kasi ang pumirma sa kontrata niya, na bawal). Nang hawakan siya nito sa braso, binalaan niya ang amo na tatawag siya ng pulis. Pero inunahan na siya nito.

Maya-maya pa ay dumating ang pulis, at umarteng may masakit na ulo ang amo at inaresto ang Pinay. Ikinulong ang Pinay nang 30 oras -- walang telepono, walang ligo, walang bihis.  Mabuti at hindi umamin si Pinay na siya ang nanakit, kung hindi ay nakulong pa siya sa salang hindi niya ginawa.

Call us!

Sa mga pangyayaring ito, ang payo ng mga abugado ay huwag magsalita hangga’t wala silang tagapagtanggol.

Minsan, ang pagtrato ng pulis sa kaso ay depende sa kung mas madali itong patunayan sa korte o hindi. Syempre, depende rin sa pulis: May matino at may hindi.
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss