Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Parangal ibinigay kay Itay sa simbahan

27 June 2019

Ang mga tatay ay mula sa iba’t ibang lahi.


Isang sorpresang pagbati at pag-aalay ng munting regalo para sa mga tatay ang isinagawa sa RiverGrace International Evangelical Church sa United Christian College sa Shek Kip Mei noong Linggo, Jun 16, tanda ng pagdiriwang ng Father’s Day.

Napasaya ang ilang tatay mula sa iba-ibang lahi nang tawagin sila sa harap ni Pastor Cynthia Aufrance at alayan sila ng regalo na LED flashlight.

Call us!

Ganito rin ang eksena sa ilang mga simbahang Katolika sa Hong Kong, katulad ng St Jude sa North Point, na taon-taong pinaparangalan ang mga tatay pagkatapos ng bawat misa.
Kabilang sa mga pinarangalan ni Pastor Aufrance si George Manalansan, isang Pilipinong driver na bumisita lang para tumulong sa paghahanda para sa napipintong pagbibigay ng financial literacy outreach ng kanyang grupong Card HK Foundation.

Call now!

Para kay George, mas naging espesyal ang pagdiriwang dahil sa sermon ni Pastor AuFrance tungkol sa mga ama na may pamagat na “Making of a Man.” Dito ay tinalakay daw ng pastora ang tungkol sa pinanggalingan, pag-uugali, naging pag-aalinlangan, sampu ng mga tagumpay ng ilang mahahalagang lalaki sa Bibliya katulad nina Abraham, Peter, John, Job at Samsom.
Natapos ang pagdiriwang sa isang masaganang salo-salo sa tanghalian na inihanda ng mga Pilipinang miyembro ng simbahan.

Call us!

Lubos na napahanga si George sa  nakitang samahan ng mga miyembro ng simbahan dahil lahat daw sila ay nagtulungan sa paghahain, pagliligpit at pati paghuhugas ng pinagkainan.
“Parang tunay silang magkaka-pamilya doon,” ang sabi ni George.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY!
Don't Miss