Nataranta si Margarette nang aksidenteng ma delete sa telepono niya ang screen shot ng kanyang OEC habang nakabakasyon siya sa Pilipinas.
Dahil mabagal ang internet connection sa kanilang probinsiya ay napilitan siyang pumunta sa isang computer shop para subukang mag log in sa BM Online at humanap ng paraan kung paano ulit lalabas ang OEC niya.
Call us! |
Pero inabot na siya ng isang oras doon ay hindi pa rin siya makapag sign in sa kanyang account. Kailangan pa naman niya ang OEC para makabalik sa Hong Kong.
Mabuti at naisipan niyang tawagan ang hotline ng Domestic Workers Corner, isang Facebook group sa Hong Kong na tumutulong sa mga migranteng manggagawa, lalo na sa mga baguhan.
Call now! |
Laking pasasalamat ni Margarette dahil wala pang limang minuto niyang nako kontak ang DWC hotline ay naipadala na ang kopya ng OEC exemption niya sa kanya.
Umuwi si Margarette noong ika-10 ng Hunyo para mag-exit pagkatapos pumirma sa bagong kontrata.
Call us! |
Pagkakakuha niya ng kanyang OEC ay hindi niya sinunod ang payo ng mga administrator ng DWC na i-print ang kanyang OEC dahil baka aksidenteng ma delete ang litrato niya nito sa kanyang telepono o kaya ay mawala mismo ang telepono.
Pwede ding mabura ito ng kanyang anak, kasama ang iba pang litrato, o mag low bat ang cell phone niya habang nasa airport na siya paalis ng bansa.
Bagamat naging pasaway siya ay buong lugod pa rin siyang tinulungan ng DWC, kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya.
Pabalik na ng HK si Margarette, 36 taong gulang, at taga Capiz.
Tatlong taon na siya sa among nakatira sa Lok Fu. — Rodelia Villar
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY! |