Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mahahalagang bagay na isa-alang-alang kung uuwi sa Pilipinas

15 June 2019


(Author unknown)

1. Budget!

Inday, hindi ka umuwing donya. Oo, magbabakasyon ka pero wag kalimutan ilang libong oras ang ginugol mo sa pagpa plantsa para makabili ng ticket . O baka utang pa yan.
Kaya siguraduhin na may daily budget allowance at wag sumobra.
Set an amount for terminal fee and travel tax.
At pang-taxi pabalik sa airport. Kasi baka wala ka nang pamasahe, di kakayanin ng tricycle mula Bicol hanggang NAIA.

2. Say “NO” nicely

Dadagsain ka ng mang-aarbor mula sa iyong bag, make-up at bobolahin ka nilang sumeksi at pumayat at lalong-lalo na, bumata..
Wag karirin ang biro at sumakay lamang.. at pagkatapos.. magpaparinig..
Unang-una, hindi ka nanalo sa lotto.

Call us!

Pangalawa, hindi ka pulitiko na magpapamudmod ng salapi, magpa-liga at magpa fiesta.
Kadalasan.. Ninong o ninang ka pa ng di mo naman kakilala!
Kung uutangan ka ng sino mang biglang may dahilan para makahiram ng pangpa-check-up ng bangs o kuko.. ang pagsabi ng “NO” ay makakatulong.. wag kalimutang ngumiti pag sinambit ito.
Asahang sabihing madamot ka o ia-unfriend ka pero go back to No. 1.. Ang budget.
Di masama ang tumulong.. Bagkus sharing multiplies the blessings..
Pero dapat tama ang timpla..
Tandaan, may iba ka rin prioridad..Di lahat ng oras e kelangan bumunot..

3. Magpahinga

Kung gaano ka ka-excited makita ang iyong mortal na kaaway noong daycare, at BFF na kayo ngayon dahil alam na ikaw uuwi..

Call us now!

Ang mga unang araw.. ilaan sa pagtulog, pagpahinga. At hayaan muna ang mga magulang at mahal sa buhay na solohin ka.. Pagbigyan mo naman sila na manawa..
Set a day for friends to reconnect with you after maka recover ka.
Di ba pamilya mo naman talaga ang inuwian mo.. Make it a rule that the first and last week of your holiday is dedicated to them..
Ilang taon at buwan mo ring hinintay ito.. Make your time profitable.. Make sure it’s quality time talaga..

4. Maging Normal

Kadalasan kapag galing ng abroad,. at talaga namang namiss mo ang simoy ng hangin sa iyong barrio at ingay ng mga palaka..mag-enjoy ka lang. Wag pasikat.
Di ito ang tamang venue para ikaw ay mag boots dahil gusto mong magstand-out sa inyong purok.
Ang LV, di bagay sa talipapa.. wag ipilit..



Wag ring mag suot ng sunglasses kahit gabi para lang makitang may Dior ka.. Baka di ka makilala ni kuya at ikaw ay mataga..
Tandaan, wala kang British accent.. Ang employer mo ang foreigner at hindi ikaw..
Yang mga naninilaw na hulugan na alahas ninyo.. baka maging mitsa pa ng buhay mo.. hayaan na lang na ngipin lang ang yellow..
At di mo rin kailangan ibandera ang iyong iPad para kunyari i-check sa google map ang address nyo.. Nasa tabi pa rin puno ng kamatsile ang inyong kubo..
At kuya naman, oo may leather jacket ka.. Pero it’s 36 degrees!

5. Enjoy and Stay safe.

And of course..
It’s not bad to indulge yourselves once in a while..
Yang mga kalyo at bitak-bitak ng talampakan natin na kala mo natuyong lahar, pakuluan na at ipa foot spa...
Mga ingrown na nagsanga-sanga, go.. ipa pedicure yan..
You deserve pampering after those long working hours and overtime work overseas..
Pero one must take control of his expenses and time.. Para smooth lahat..
Mas masarap naman magbakasyon ng walang sakit ng ulo; na hindi halos araw-araw na lang magre recover ng hang-over..
Walang utang na iiwan, at babalik sa abroad na di naka-nganga.. at talagang nasulit ang oras at panahon sa mga taong dapat pinaglalaanan..
Make a list of the things that you really need to accomplish and people and places to visit para ma-maximize and kapiranggot na panahong nakalaan sa bakasyon..
So ayan, I wish you all a nice and wonderful time with your loved ones, and for yourselves.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss