Ganoon na lang ang panghihinayang ni Carent Barroga, 37, tubong Bayambang, Pangasinan, nang malamang wala nang bisa ang kanyang membership sa Overseas Workers Welfare Administation (OWWA).
Ang masaklap kasi, kailangang kailangan ni Barroga ng tulong. Pagkadating pa lang nya sa Hong Kong noong Nov. 11 ng nakaraang taon para manilbihan sa bagong amo ay nakitang may tumor siya sa utak, at kinailangang operahan agad.
Call us! |
Pagkatapos ng operasyon ay nalaman niya na expired na ang kanyang membership sa OWWA noon pang Oct 2016, pagkatapos niyang mapilitang umuwi dahil na terminate ng kanyang dating amo. Hindi man lang daw ito inayos ng kanyang agency, o pinaalalahanan man lang tungkol dito.
Dati kasi, kailangang magbayad ng OWWA membership tuwing magpapasok ng ng bagong kontrata sa Philippine Overseas Labor Office, kaya laging may paalala tungkol dito. Pero mga tatlong taon na ang nakakaraan nang palitan ang kalakaran at gawing per term, o tuwing ikalawang taon ang renewal, kaya marami ang nakakalimot na gawin ito.
Call now! |
Dahil hindi na siya member, limitado lang ang tulong na nakuha ni Barroga mula sa OWWA, kabilang na dito ang Balik Pinas Pangkabuhayan, kung saan may ibinibigay na Php20,000 sa mga OFW na biglaang napapauwi dahil terminated.
Sa kaso ni Carent, pinalad siyang makakuha ng Php10,000 na tulong, marahil ay dahil dati na siyang miyembro sa loob ng halos apat na taon na nagtrabaho siya sa Hong Kong noon. Napaso lang kasi ang membership niya dahil matagal siyang hindi nakabalik dito.
Call us! |
Payo ni Carent: “Dapat masabihan yung mga hindi nagre renew ng OWWA dahil kung bigla kang mapauwi baka wala ka ding makuha. Kaya dapat lagi nilang ipa-update ang kanilang OWWA (membership).”
Ganito din ang sinabi sa kanya ni Rodelia Villar, founder ng Domestic Workers Corner, isang online group para sa mga baguhan sa Hong Kong, at volunteer sa Philippine Overseas Labor Office.
Ayon kay Villar, kung gustong malaman ng isang overseas Filipino worker kung “active” o may bisa pa ang kanilang OWWA membership, I check nila sa website na ito: https://ecard.owwa.gov.ph/. Kung hindi na active ang membership ay kailangang pumunta sa OWWA counter at ipa check muli, at kung kinakailangan ay magbayad.
“Mayroon ding app ang OWWA kung saan maaaring mag sign-in para malaman ang mga services ng OWWA,” sabi niya. “Kailangan bigyan pansin ito ng mga OFW ito at iwasan ang maniwala sa mga sabi sabi na walang silbi ang Ecard o ang OWWA dahil sila ang iyong lalapitan kapag kailangan mo ng financial assistance.”
Si Villar, kabilang ang ilang miyembro ng DWC, ang unang nagbigay ng tulong kay Carent, na kinailangang manatili sa ospital ng mahigit isang buwan habang nagpapagaling sa kanyang operasyon.
Ipinaalam nila ang kanyang kundisyon sa mga kinauukulan, kaya pati ang dapat na ibayad sa ospital ni Barroga na sinabing ultimo turista dahil hindi siya nakapanilbihan ng kahit isang araw sa amo, ay hindi na siningil.
Pagbalik niya sa Pilipinas nitong nakaraang Jan 5 ay pinagpatuloy pa rin ng DWC ang pagtulong sa pamamagitan ng pagpapadala buwan-buwan ng panggastos sa pag-aral ng kanyang mga maliliit na anak.
Ayon kay Villar, ayaw nyang matigil sa pag aaral ang mga bata dahil alam nya na patuloy ang pagpapagamot ni Carent kaya patuloy nila itong tinutulungan.
Pinadalhan din ng DWC ng isang sakong bigas ang mga Barroga bilang dagdag-tulong. – The SUN
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY! |