Nasa kritikal na kalagayan pa rin ang beteranong actor na si Eddie Garcia, 92, mula nang isugod siya sa ospital matapos siyang maaksidente sa taping ng bago niyang TVseries sa GMA 7 noong June 8. Base sa video na inilabas ng GMA Network, kinukunan siya ng eksena sa “Rosang Agimat”, kasama sina Jestoni Alarcon at Romnick Sarmenta, nang mapatid siya ng kable at nadapa. Nawalan siya ng malay kaya itinakbo siya agad sa Mary Johnston Hospital, at inilipat sa Makati Medical Center (MCC) kinabukasan.
Taliwas sa unang pahayag ng pamilya ni Eddie na inatake siya sa puso, nabali raw ang spinal cord ng aktor sa lakas ng kanyang pagkakabagsak, at hanggang ngayon ay hindi pa nagkakamalay. Sa panayam ni Ricky Lo ng Philstar sa long-time partner ni Eddie na si Lillibeth Romero, idineklarang DOA (dead on arrival) si Eddie sa unang ospital na pinagdalhan sa kanya, pero na-revive daw ito, kaya inilipat na nila ito sa MCC.
Ang kanyang tiyuhin na si Dr. Enrique Lagman daw ang nagsabi na hindi atake sa puso o aneurism ang dahilan ng pagkaka-coma ng actor. Ganunpaman, may halong hinanakit sa nabanggit niya na dapat ay naiwasan ang aksidente. Wala raw naka-antabay na medical team o sasakyan sa set, kaya isinakay lang sa taxi si Eddie ng mga hubad-barong mga lalaki na mga naka-istambay sa paligid.
Ayon pa sa kanya, maganda ang kalusugan ni Eddie, at normal ang blood pressure at blood sugar nito, at nagpapa-executive check-up pa kada ikatlong buwan. Kinaya pa raw nitong mangampanya para sa isang party-list sa kainitan ng araw noong nakaraang eleksyon.
Marami ang nagsasabi na sa edad ni Eddie ay hindi na dapat siyang binibigyan ng eksenang ma-aksyon at sapat na ang mga malulutong na dialog, (gaya nang pinagawa sa kanya sa huling mga eksena niya sa “Ang Probinsyano”) dahil mahusay pa rin itong umarte.
Call us! |
Sa ngayon ay masama pa rin ang kalagayan ng aktor, kahit may nakakabit na life support machine sa kanya sa ICU ng MCC, at pinag-iisipan daw ng pamilya nila kung tatanggalin na ito o papayag pa silang i-resuscitate si Eddie.
Kabilang sa mga kasamahan sa trabaho ng actor na nakadalaw na ay sina Robin Padilla, Philip Salvador, at Coco Martin, na matagal niyang nakasama sa “Ang Probinsyano”, bago siya bumalik sa Kapuso network.
Si Eddie ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na aktor at direktor ng pelikulang Pilipino. Wala na sigurong makakapantay sa kanya sa dami ng awards na nakamit niya bilang best supporting actor, best actor, best director at Hall of Fame awardee sa halos lahat ng award giving bodies sa Pilipinas. Huli siyang napanood sa pelikula sa “Rainbow’s Sunset” sa Metro Manila Film Festival 2018, kung saan ay muli siya naging nominado bilang best actor.
Call us now! |
BB PILIPINAS WINNERS
Si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu ang bagong Miss Universe Philippines 2019, kapalit ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa ginanap na grand coronation night noong June 9 sa Araneta Coliseum.
Ang nagwagi naman bilang Bb Pilipinas International 2019 ay si Bea Patricia Magtanong, isang batang abugada at modelo na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ang ilan pang beauty queens na panlaban ng Pilipinas sa iba pang international beauty contests ay sina:
Bb. Pilipinas Supranational 2019 - Resham Ramirez Saeed
Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 - Emma Mary Tiglao
Bb. Pilipinas Grand International 2019 - Samantha Lo
Bb. Pilipinas Globe 2019 - Leren Mae Bautista
Itinanghal naman bilang first runner-up ang kandidata mula sa Pasig City na si Maria Andrea Verdadero Abesamis, habang second runner-up naman si Samantha Bernardo mula sa Palawan.
Dalawang special awards—ang Face of Binibini at Best in Long Gown—ang nakuha ni Gazini.
Dalawa rin ang naiuwing special award ni Bea Patricia. Ito ay ang Best in Swimsuit at Bb. Megawide. Nakuha naman ni Emma Mary Tiglao ang Pitoy Moreno Best in National Costume at Miss Pizza Hut.
Anim na special awards ang naiuwi ni Vickie Rushton, (girlfriend ni Jason Abalos, at isa sa mga inaasahang mananalo ng dating Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach) kahit hindi ito nanalo ng korona. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Balance, Miss Creamsilk, Manila Bulletin Reader’s Choice Award, Miss Ever Bilena, at Jag Denim Queen.
Binibining Friendship ang napanalunan ni Sherry Ann Tormes ng Polangui, Albay, Best in Talent si
Cassandra Chan at si Martina Diaz ng Muntinlupa ang tinanghal na Miss Philippine Airlines.
Nasira ang tsansa ni Vickie sa korona dahil hindi naging maganda ang sagot niya sa Question and Answer portion ng contest sa tanong sa kanyang “ Why is mental health as important as physical health?”. Umani pa siya ng pambabatikos dahil nasabi niyang mental health ang advocacy niya.
Ipinagtanggol naman siya ni Pia sa mensahe nito sa kanya sa Instagram: “However, my heart also breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us. It’s not easy to compete. Keep your chin up, Vickie.”
Si Pia ay tatlong beses sumali sa Bb Pilipinas bago siya nanalo Miss Universe Philippines noong 2015, at pinalad pang maiuwi ang korona bilang Miss Universe 2015.
CHERIE GIL, AYAW PATAWAG NG “ TITA”
Miss Cherie ang tawag ni Kyline Alcantara kay Cherie Gil, isa sa tatlong member ng Starstruck Season 7 council. Ayaw ni Cherie na tinatawag siya na tita ng mga artista na hindi naman niya kamag-anak. Ate Heart naman ang tawag ni Kyline kay Heart Evangelista. Magkasama ang dalawa sa Starstruck Season 7, si Kyline ang online host ng programa.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!