Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Alin ang mas maganda, trabaho sa Hong Kong o sa Middle East?

08 June 2019



Ito ang tinanong ng isang Pilipina sa isang social media group ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong, at iba-iba ang naging sagot ng mga miyembro.

Ayon sa unang nag-post na si SGS, kahit nabibigatan siya sa trabaho niya sa Hong Kong dahil sa kanyang among babae e mas kaya na niya ito kaysa sa Middle East kung saan siya nagtrabaho dati.

“Doon ko naranasan lahat, mag harvest ng olive, mag farmer, magpastol ng karnero, mag carwash ng apat na sasakyan na sobrang lamig..”

Call us!

Tuwing sumasapit daw ang Ramadan, ang pinaka sagradong pagdiriwang ng mga Muslim, ang tanging naiisip niya ay sana lumapat na ang likod niya sa higaan.

“Every three months ko lang makausap ang pamilya ko, ganun kahirap…tapos sa pagkain sobrang kuripot nila. Pero thank God (at) natapos ko ang contract ko doon. Kaya blessed ako at dito sa Hong Kong kasi dito ako dinala ni Lord. Appreciated ko lahat ng gusto niya.”

Sabi pa niya, kung ano man ang ibigay ng Diyos, dapat marunong tayong tumanggap, maliit man o malaking bagay. “Ang pagtitiis ang mabisang gawin para makamit ang mga minimithi sa buhay.”

Call now!

Pero hindi sang-ayon ang sumunod na nag post, si DAE. “Hindi tayo talaga parehas mga sis. Ang parehas lang tayo ay yung homesick (tayo). Kasi sa Qatar, mas ok ang buhay ko doon. Pero nangarap kasi ako dati pa na makarating ng Hong Kong, at nandito na nga ako.”

Sa Middle East daw ay tuwing Ramadan at araw ng Biyernes lang siya pagod. Hindi daw mabunganga ang amo niya, ay bihirang lumabas ng kuwarto. Hinahayaan lang daw silang mga kunyang na magtrabaho.

Call us now!

“Pero dito sa Hong Kong, bukod sa mata nila, may CCTV pa,” sabi niya. “Malaki (nga ang sahod) pero magastos. Pero hindi ako nagsisisi kasi ginusto ko ito, e. Kaya tyaga lang.”

Kagulat-gulat naman ang inilahad ng isa pa, si VSB dahil ang sabi niya, “(Sa) Middle East naranasan kong maltratuhin, sinunog ako ng madam ko, binalibag ako galing sala hanggang kusina.”

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Nang tanungin siya kung bakit nangyari ito sa kanya, sinabi nya lang na ganun daw kasama ang amo niyang babae. “Pati mga anak pag nag-aaway nagsasaksakan, naranasan ko pang nasaksak (ang) kamay ko nung nag-away ang mga bata at naranasan ko pa na kahit hindi ako makalakad kailangan ko pa ring pagsilbihan sila.”

Kakaiba naman ang pananaw ng isang sumagot na Aloe Vera ang gamit na pangalan. Sabi niya, mahalaga sa kanya ang kalayaan at hustisya na namamayani sa Hong Kong. Dito raw ay malaya kang ipagtanggol ang sarili kahit maraming kakulangan sa pagkain o gamit.

“Kahit wala ka nyan kung may freedom to act and to speak (ka) malaking bagay yan. Balewala ang hirap sa trabaho, fairness and freedom, that’s all we need,” sabi niya.

Nagtrabaho daw siya dati sa Lebanon ng apat na taon, at apat na taon din sa Saudi Arabia.

Sabi naman ni CB, naka-relate siya sa kuwento ni SGS dahil 12 taon daw siya sa iisang amo sa Riyadh at noong nakaraang taon lang umuwi ng Pilipinas, bago umalis ulit patungong Hong Kong.

“Ok naman ang naging amo ko sa Riyadh at nakaya ko naman ang pagiging dragon ng madam ko. Nakaya ko naman ang trabaho ko (kahit) ang pagiging burara nila. Nakaya ko namang umakyat at baba ng 82 steps ng hagdan araw araw. Sagana sa prutas doon at ikaw ang magsasawa sa kakakain.

“Dito sa Hong Kong maliit ang bahay at mabait naman ang amo ko pero sobrang kuripot.”

Ayon naman kay RMI, mas gusto niya ang naging buhay niya sa Saudi kung saan nagtrabaho siya ng mahigit dalawang taon. Never daw na nakarinig siya ng reklamo mula sa kanyang amo doon, magmula sa paglilinis hanggang sa luto.

Dito daw ay sobrang perfectionist ng mga amo, walang sariling kuwarto, at iisa ang CR (comfort room o banyo). “Sobrang nahihirapan ako dito, parang bawat minuto mahalaga sa kanila, so goodbye Hong Kong. Uuwi na ako.”

Sa sabi ng isang maka-Saudi na mas maayos pa din ang magtrabaho doon, sinabi ni RMI na tama daw dahil malaki din bale ang sahod niya doon dahil mapagbigay ang kanyang mga amo, at sawa siya sa pagkain. Kaya nga daw nag break siya ng kontrata niya sa Hong Kong. “Nakakainis dito, sobra,” sabi pa niya.

May isa pang sumang-ayon na ang sabi hindi masyadong pihikan ang mga amo doon, hindi katulad sa Hong Kong na may mga matang nakasunod bawat kilos mo.

Hindi naman patatalo si EV dahil mas gusto niya ang kalakaran sa Hong Kong. Ang sabi niya, sa ilalim ng batas, pantay-pantay lahat sa Hong Kong di katulad sa Middle East na malalaki pa ang mga bahay. “As in katulong ka don, samantalang dito sa HK donya ka pag Sunday, hahaha. True, di ba?”

Ganun din ang sabi ni NAO, may kalayaan daw sa Hong Kong pero sa Middle East, “haizzt”.

Pinatotohanan din ito ni ZJ, na nagsabi na noong nasa Qatar sya at naka-cast ang kamay dahil naaksidente siya, ay kailangan pa ring magtrabaho. “Dito sa Hong Kong mangati lang lalamunan (ko) ipapa doktor na, pa rest na nila amo.”

Ipinagdasal nya daw dati na bigyan lang siya ng amo na hindi siya gugutumin kahit maraming trabaho ay pwede na. Kaya lang nilagay daw siya sa mga amo na sobra sa kanyang inaasahan “kaya naman sobrang thankful now,” sabi niya.

Ganito din ang karanasana ni YAA na ang amo sa Mid-East ay napakabungangera at laging delayed ang sahod niya. Sa amo niya sa Hong Kong ay on time daw siya sinasahuran at hindi pa ito bungangera at malaya siyang nakakagalaw.

Sang-ayon din dito si KJ, na nagsabing mas ok siya sa Hong Kong kaysa sa Kuwait.

Pero hindi sang-ayon dito si REA dahil noong nasa Middle East daw sya ay ok lang ang kanyang amo at sobrang gaan ng kanyang trabaho at walang CCTV na nakabantay sa kanya kaya komportable siyang kumilos. “Dito walang kakontentuhan ang mga amo. Tiis lang matatapos din naman lahat ito,  konting tiis,” sabi niya.

Sa kanilang lahat na sumagot, tanging si NAD lang ang nagsabi na pareho lang ang sitwasyon niya ngayon sa HK at noong nasa Dubai sya dahil parehong mabait ang mga amo niya. Inabot siya ng 11 taon sa Dubai at anim na taon na ngayon sa Hong Kong.

Sabi naman ni JA, mas gusto niya iyong panahon na nasa Lebanon siya, kasi sa loob ng anim na taon ay may naipundar daw siya at naipon dahil libre lahat ang kanyang gastusin. Dito sa Hong Kong ay sa sariling bulsa daw niya galing ang perang ginagastos sa kanyang mga gamit at kinakain.

Pero di sang-ayon si QOT dahil hindi naman daw lahat ng mga Arabong amo ay mababait. “May kuwarto ka nga at naka aircon, pero sa trabaho at ang pagmamaltrato sa iyo ay mas matindi sila.” Dagdag niya, hindi lahat ng Pilipina doon ay sagana sa pagkain at galante ang amo.

Mas mahal daw niya ang amo niya sa Hong Kong kumpara yung nasa Kuwait dahil mababa daw ang tingin nila doon sa mga Pilipino.

Halos lahat ng mga iba pang sumagot ay pareho ang mga dahilan kung bakit mas gusto nila sa Gitnang Silangan. Unang una na dito ang malalaki ang mga bahay doon kaya may sarili silang kuwarto at malayang nakakagalaw. Karamihan ay mas kaunti ang trabaho, at hindi maselan at laging nakabantay sa kanilang ginagawa ang kanilang mga amo.

Ang pinakamalahaga, walang CCTV na nakatutok sa kanilang bawat kilos, at parang senyales na hindi sila pinagtitiwalaan ng kanilang mga amo.

Sa mga maka Hong Kong naman, unang una na ang batas na nagbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa pang-aabuso, at pati na ng mga takdang araw ng pahinga kung kailan malaya silang lumabas at gawin ang gusto nila. Mas mahalaga daw ito kaysa sa marangyang kapaligiran at among hindi mahilig makialam sa kanilang ginagawa.

Sa puntong ito, masasabi na iba-iba talaga ang pananaw ng mga tao, at malaking dahilan dito ang swerte. Kung nabiyayaan ka ng among mabait at maunawain, hindi na gaanong mahalaga kung malaki o maliit ang bahay, at kung gaano kabigat ang trabaho. Mas gagaan ang trabaho, at mas mapapadali ang pagpaplano kung kailan maari nang  umuwi sa Pilipinas para makapiling muli ang mga mahal sa buhay. - DCLM

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss