Hindi lang minsan na nakipagtalo si Lucing sa kanyang amo noong bagong dating pa lang siya sa Hong Kong dahil gusto nito na kunin ang kanyang pasaporte at kontrata para iwas utang daw.
Pero ang mas masaklap ay hindi siya binigyan ng susi ng kanilang bahay.
Pero pumayag na lang din si Lucing sa mga gusto ng amo dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho. Imbes magreklamo ay pinaghusayan niya ang pagtatrabaho.
Call us! |
Pero hindi naging ganoon kadali ang pakikisama ni Lucing sa amo.
Naalala pa niya na noong minsan ay naghintay siya ng hanggang ala una ng madaling araw sa labas ng kanilang bahay dahil late nang nakabalik ang mga amo niya, samantalang ang curfew niya ay 8pm lamang.
Hindi man lamang daw siya sinabihan na gabi na silang makakauwi, pero hindi pa rin siya nagreklamo.
Call us now! |
Tuloy pa rin ang kanyang paninilbihan sa napakalaking bahay ng mga amo na umaabot sa 3,000sq ft, may tatlong kotseng nililinis at may dalawang alagang bata.
Ngayon ay pareho nang abugado ang mga alaga niya at ayaw na siyang pauwiin, dahil mahal na mahal na daw siya.
Nakuha na niya ang buong tiwala ng mga amo pagkatapos ng 10 taong pagtiiis, kaya ngayon ay hawak na niya ang kanyang mga dokumento at may sarili na rin siyang susi sa bahay.
Call now! |
Kapag nasa isang bansa ang kanyang mga amo ay iniiwan sa kanyang pangangalaga ang buong kabahayan.
Dahil sa pagmamahal nila sa kasambahay ay ginastusan nila ang pagpapaopera niya sa puso sa isang pribado at eksklusibong ospital noong malaman na may dinaramdam siya.
Ang payo ni Lucing sa mga baguhan, sakyan lang ang gusto ng mga amo, ayusin ang pagtatrabaho at pakitaan ng pagmamahal ang mga alaga, at siguradong mapagtatagumpayan ang anumang pagsubok.
Si Lucing ay tubong Cagayan Valley, dalaga, at kasalukuyang nnainilbihan sa Repulse Bay.- Marites Palma
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!