Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Simple at matipid pero masarap at masustansiya

24 May 2019



Hindi kailangang gumastos ng malaki para makapagluto ng mga masarap at masustansiyang ulam. Kailangan lang na siguraduhin na mura pero sariwa ang mga sangkap na ginagamit. Sa mga nakatira malapit sa palengke, masisiguro ito kung mamimili bandang alas sais ng hapon, ilang minuto bago magsara ang mga tindahan, at gusto na lang nilang maubos ang kanilang mga natirang paninda kaya ibinibigay ng hamak na mas mura sa presyo nito sa umaga. Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na sariwa ang mga paninda, dahil kadalasan ay tambak pa rin ang mga ito, lalo na ang mga gulay.

Sa North Point market, halimbawa, umaabot sa tatlong tumpok ng mga sariwang gulay ang ibinebenta ng paubos sa halagang $10 lang. Sa mga namamasukan, pakiusapan lang ang inyong amo na payagan kayong mamalengke sa hapon imbes na umaga dahil siguradong malaki ang matitipid ninyo sa inyong pamalengke.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Kabilang sa mga di hamak na murang bilhin sa palengke kaysa sa mga grocery ang itlog, dahil marami sa may pwesto ang nagbebenta ng tig-$1 lang ang bawat isa nito, kumpara sa doble nitong presyo sa ParkNShop o Wellcome. Sa Kaibo, mas makakamura pa kung dalawa o tatlong dosenang itlog ang bibilhin agad. Pero huwag ding kakalimutan na tingnan ang mga presyo sa supermarket dahil minsan ay mas mura ang mga tinda dito dahil bulto kung bumili sila, katulad ng cherries, ubas at pati mangga galing sa Pilipinas.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Pagdating naman sa simple ngunit mabilis lutuin na ulam, mas maigi kung laging may nakatagong mga sangkap katulad ng harina, lemon, chicken powder, oyster sauce, at brown sugar, bukod siyempre sa mantika, toyo, suka, bawang, sibuyas at luya. Ito ang kadalasang ginagamit para sa mga stir-fry o steamed na gulay, karne o isda.

Heto ang ilan sa mga paboritong iluto ni “Bechay Kikay,” isa sa mga aktibong miyembro ng Domestic Workers Corner, lalo na ang Facebook page nito na “It’s All About Food.”


Fishball Curry

Sangkap
1 pakete ng fishball
Toyo
Brown sugar
Durog na paminta
cornstarch
chicken powder
mantika
sibuyas
1 lata gata, (165 ml)
2 ½ kutsaritang curry powder
2 pirasong patatas, diced
1 maliit na pirasong luya, ginayat
bawang

Call us!

Pamamaraan:
1. Hugasan ang mga fishball at tanggalin ang sobrang tubig
2. Ibabad ang fishball sa toyo, asukal, paminta, cornstarch, chicken powder at mantika, bago itabi.
3. Maggisa ng sibuyas at ihalo ang gata mula sa lata. Ihalo ang curry powder at haluing maigi.
4. Iprito ang mga patatas hanggang maging brown ang kulay, bago itabi.
5. Igisa ang luya at bawang, bago ibuhos ang nakababad na fishball. Haluing maigi bago lagyan ng 3 hanggang 4 na tasang tubig.
6. Haluan ng kaunting toyo at asukal at hayaang kumulo sa mahinang apoy ng mga 15 minuto, o hanggang ang sabaw ay medyo lumapot.
7. Idagdag ang piniritong patatas at ihalong maigi. Isahog ang curry sauce at haluin muli. Pabayaang kumulo ng mga 5 minuto bago ihanda.
8. Budburan ng ginayat na spring onion bago ihapag sa mesa
(Maaring dagdagan ng asin o toyo kung hindi pa tama sa panlasa)


Sweet and Sour Fish Fillet

Sangkap
1 paketeng fish fillet
Puting sibuyas, ginayat
3 kulay na bell pepper
I tasang carrots, hiniwa ng maliliit
1 tasang pinya, hiniwa ng tig-1 inch
¼ tasang sabaw ng pinya
¼ tasang ketchup
1-2 kutsarang asukal
½ kutsaritang asin
½ kutsarang paminta
2 kutsarang cornstarch, na tinunaw sa ½ tasang tubig
Tempura powder o plain harina na tinimplahan ng paminta at asin
1-2 pirasong itlog, binate

Call us now!

Pamamaraan:
1. Hugasan ang mga fish fillet at patuyuin gamit ang kitchen towel. Haplusin gamit ang asin at paminta. Hiwain sa 4 hanggang 6 na piraso.
2. Ilubog ang fish fillet sa harina (o tempura powder), tapos ay sa binating itlog, bago sa harina muli.
3. Iprito sa kumukulong mantika hanggang maging ginintuan ang kulay. Itabi.
4. Sa isang mangkok, paghaluin ang katas ng pinya, ketchup, asukal, paminta, asin, tinunaw na cornstarch, at pagkatapos ay itabi.
5. Igisa ang sibuyas, tapos ay ihalo ang carrots, bell pepper at saka pinya. Haluing maigi.
6. Ibuhos ang katas mula sa tinimplahang sabaw ng pinya at haluin hanggang lumapot ang sabaw.
7. Idagdag sa huli ang piniritong fish fillet (pwede din ang manok na pinirito ng bahagya). Ihalo ng dahan-dahan hanggang matakpan ng husto ang mga piraso ng isda.
8. Hanguin at ihapag.


Vegetable Dumplings

Sangkap:
¼ lb giniling na baboy
1 tali ng bokchoy (pechay)
2 piraso ng maliliit na pulang sibuyas
1 tangkay ng spring onion
5 butil ng bawang
Pamintang pino
1 kutsaritang chicken powder
Sesame oil,
Oyster sauce
Cooking oil
Brown sugar
Soy sauce
Water
Dumpling wrapper

Call us!

Pamamaraan:
1. Hiwain ng pino ang bokchoy, pulang sibuyas, spring onion at bawang. Haluin at dagdagan ng asukal, toyo, cornstarch, pepper powder, chicken powder, sesame oil, oyster sauce, oil at kaunting tubig.
2. Haluing maigi at ilagay sa refrigerator ng magdamag para makuha ng husto ang lasa ng pinagbabaran, at para mas madaling balutin
3. Bilutin gamit ang dumpling wrapper at iprito sa kumukulong mantika


Anchovies omelet

Sangkap:
Sariwang dilis na maliliit,
Repolyo, hiniwa ng medyo maliliit na piraso
carrots, hiniwa ng manipis, o kung pwede ay ginayat
spring onion
tinadtad na bawang
arina
1-2 pirasong itlog
asin at paminta
chicken powder
cornstarch

Call!

Pamamaraan:
1. Tanggalin ang ulo ng mga dilis at patuyuin ang natirang piraso sa paper towel. Itabi.
2. Paghaluin ang mga ginayat na repolyo, carrots, spring onion, pulang sibuyas na maliliit, bawang, chicken powder, durog na paminta at cornstarch, oyster sauce at kaunting sesame oil
3. Ihalo ang dilis sa sangkap at ilagay sa refrigerator ng mga 30 minuto para manuot ang lasa.
4. Gamit ang ice cream scoop o maliit na tasa, salukin ang tinimplahang dilis at iprito sa kawali. Ihain habang mainit.


===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss