Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sana mapabuti ng mga nahalal ang kalagayan ng bansa

17 May 2019


Ni Vir B. Lumicao

Tapos na ang isang buwang halalan para sa pagpili nating mga Pilipinong naririto sa Hong Kong sa 12 bagong senador at isang party-list na kakatawan sa atin sa Kongreso.

Nararapat lang na batiin natin ang ating mga kababayan sa lungsod na ito dahil sa pangkalahatan ay naging maayos at tahimik ang pagdaraos natin ng overseas voting dito.

Anuman ang magiging resulta ng katatapos na halalan, sana tanggapin natin nang matiwasay bilang paggalang sa niloloob ng bawat mamamayang bumoto para sa kanyang mga napupusuang kandidato at partido.

Ang mahalaga ay nairaos natin ang isang mahalagang demokratikong pamamaraan ng pagpili sa mga taong magiging gabay ng ating bansa sa pagtupad sa ating mga pangarap bilang sambayanan at pagharap sa mga kasalukuyang balakid sa landas na ating tinatahak.

Kung pagbabatayan ang bilang ng mga bumotong mga kababayan natin sa Hong Kong ay masasabi nating matagumpay ang katatapos na halalan dito dahil nahigitan natin ang bilang ng mga bumoto sa katulad na eleksiyon noong 2013.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Ayon sa ibinalita ni Consul General Antonio Morales noong Mayo 12, ang huling Linggo ng halalan, umabot sa 4,700 ang bilang ng mga Pilipinong nagtungo sa Bayanihan Center sa Kennedy Town upang bumoto.

Iyon ang pinakamalaking pang-araw-araw na bilang ng mga bumoto sa loob ng isang buwang halalang ginanap para sa tinatayang 230,000 Pilipinong ang karamihan ay mga nagtatrabaho bilang mga kasambahay rito.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ang huling buhos na iyon ng mga botante ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga bumoto ngayon eleksiyon sa mahigit 34,000, o halos 40% ng kabuuang bilang na 87,441 rehistradong mga botanteng Pilipino rito sa Hong Kong.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga bumoto sa huling araw ng halalan nitong Mayo 13, habang sinusulat namin ang tudling na ito.

Sa panggitnang halalan ng Pilipinas noong 2013, umabot sa 32% ng naitalang 83,147 botante na nasa certified list of voters ng Commission on Elections ang bumoto.

Call us!

Ang malaking porsiyento ng mga bumoto nitong katatapos na halalan ay nagpapatunay na higit na interesado ngayon kaysa noong mga nakalipas na panahon ang ating mga kababayan at kapwa OFW sa mga nagaganap sa ating bansa, lalo na sa usaping pampulitika.

Marahil, iyan ay bunga ng pananaw ng bawat isa sa mga mamamayang Pilipino na ang ikauunlad ng bayan ay nakasalalay sa mga lider na ihahalal natin. Dala siguro ito ng mga pangarap nating hindi natupad ng mga inihalal natin noong mga nagdaang eleksiyon.

Call us now!

Ang pangarap natin noon ay palakasin muli ng mga nasa lider ang kabuhayan ng Pilipinas, lalo na ang agrikultura at industriya, upang mapalaki ang produksiyon ng pagkain at mga produktong iluluwas sa ibayong dagat upang magdulot ng trabaho sa ilang milyong manggagawang Pilipino.

Ngunit tila nahirapang ibalik ng mga bagong lider ang tiwala ng mga negosyante sa ating mga industriya dahil sa maraming balakid sa mga gustong mamuhunan.

Call now!

Ayon sa pinakahuling sukatan ng World Bank, ang Pilipinas ay ika-124 sa 190 mga ekonomiya noong 2018 pagdating sa dali ng pagtatayo ng negosyo. Ang ranggong ito ay umurong mula sa 113 noong 2017. Habang mas mababa ang bilang ay mas mataas ang ranggo at lalong kaakit-akit sa mga lokal at dayuhang negosyante.

Natamo ng Pilipinas ang pinakamababang bilang na ika-97 noong 2014 at ang pinakamasahol na ika-144 noong 2009.



Tungkol naman sa ranggo sa corruption, ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay bumaba sa ika-99 noong nakaraang taon mula sa 141 noong 2017. 

Sana makatutlong ang mga inihalal nating senador at party-list nitong nakaraang eleksiyon sa pagpapabuti sa katayuan ng Pilipinas sa sukatang iyan ng World Bank upang muling lumakas ang ating pambasang kabuhayan at di na tayo kailangang maging busabos uli sa ibang bansa.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!



Don't Miss