Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Saksakan ng hirap pakisamahan ng matanda

20 May 2019



Nagdadalawang isip si Mena kung pipirma pa o hindi na ng panibagong kontrata dahil sa masamang ugali at walang basehan na akusasyon ng kanyang alagang matanda na malapit ng maging ulyanin.

Ang talagang employer niya sa kontrata ay ang anak na dalaga ng matanda, pero kinuha siya ng pamilya para alagaan ang kanilang lola.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Pero dahil sa saksakan ng hirap pakisamahan ng matanda, konti na lang daw ay mabastos na niya.

Ang bilin ng kapamilya ni lola ay samahan ito sa tuwing lalabas, pero lagi itong tumatanggi. Kahit halos 90 taong gulang na si lola at delikado na pabayaang lumabas mag-isa ay matigas ang ulo nito sa pagtanggi.

Call us!

Ang isa pang ugali ng matanda na ayaw na ayaw ni Mena ay lagi siyang hinahanapan ng nawawala, gaya ng mga tirang pagkain sa ref, o ng mga bagay na nilalapag kung saan saan, katulad ng shower cap at swimming goggles. Iyun pala ang nawawalang pagkain ay nilantakan ng kanyang among dalaga.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Inaakusahan pa daw siya na umiinom ng gatas ng matanda, kaya pinapasok ito ni lola sa kwarto.

Ang mas malala ay inaakusahan siyang nagdadala ng bigas at de lata mula sa kanilang bahay kapag day off niya.

Call us now!

Bukod dito ay lagi siyang sinasabihan na kalabisan siya at hindi kailangan, gayong wala naman itong tigil sa kauutos sa kanya.

Araw araw din na kailangan niyang pakpakin ang likod ng matanda para mabaklas ang plema at sipon nito sa dibdib, at bantayan ang pag-inom inom nito ng gamot.


Call now!
Minsan ay napipikon si Mena, pero may mga pagkakataon naman na tinatawanan na lang niya. Pasok daw sa isang tenga labas sa kabila ang mga sinasabi ng matanda.

Sinabihan din siya ng  kanyang among dalaga na huwag na lang pansinin ang kakulitan ng kanyang lola.



Naisip ni Mena na maghanap na lang ng ibang pagsisilbihan, total 28 taong gulang pa lang siya at marami pang pwedeng pasukan. Kung wala naman daw siyang makuhang ibang amo ay uuwi na lang siya sa Ilocos.

Pero matapos siyang kausapin ng amo, pati ng mga anak ng matanda ay nagdesisyon siyang pumirma na lang ulit. Sinabihan siyang sa kanila sumunod at huwag pansinin ang matanda.

Ito ay sa kabila ng payo ng kanyang mga kaibigan na humanap na lang ng iba.

Sa tingin kasi ni Mena ay maswerte na siya dahil maluwag siya sa trabaho. Lagi sa opisina ang kanyang amo at pati si lola ay mahilig lumabas kapag maganda ang panahon. – George Manalansan
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Don't Miss