Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinagpala ang buhay

22 May 2019



Bata pa ang mga anak ni Lovie ay napagkasunduan na nilang mag-asawa na mangingibang bansa siya para sa ikagaganda ng kanilang buhay. Hindi naman kasi kalakihan ang sahod ng kanyang asawa na naninilbihan sa kanilang munisipyo.

Tutol ang kanyang mga magulang sa napangasawa ni Lovie kaya nagsusumikap silang mag-asawa na pagandahin ang kanilang buhay at bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak.

Lumaking matatalino ang mga anak at disiplinado dahil sa maayos na pagpapalaki sa kanila ng kanilang tatay. Laging nangunguna sa klase ang dalawa nilang anak na labis niyang ikinatutuwa.


Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.
Buong pagmamalaki niyang ikinukuwento kahit sa mga mababait na amo ang mga karangalang natatanggap ng kanyang mga anak, at ipinapakita sa kanila ang napakaraming medalya, ribbon at sertipiko na natatanggap ng mga ito tuwing pagtatapos.

Ayon kay Lovie ang mga kumikinang na medalya ng mga anak ang nagsisilbing inspirasyon para lalo siyang magsikap para sa kanilang kinabukasan.

Ang isa sa mga labis na ikinatutuwa ni Lovie kamakailan ay ang pagkakatanggap ng isa sa kanyang mga anak sa Philippine Military Academy o PMA, kung saan ang mga mag-aaral ay piling pili at iskolar lahat.

"Hindi ko inaasahang makapasok sa PMA ang aking anak," sabi niya.



PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
Napasama lang daw ito sa dalawa niyang kaibigan sa pagkukuha ng pagsusulit sa PMA dahil pangarap talaga ng mga ito na makapasok doon.

Ganoon na lang ang tuwa ng anak ni Lovie na siyang sabit lang ang pinalad na matanggap sa prestihiyosong paaaralan.

Napakabait at napakatalinong bata daw ng kanyang anak kaya kampante si Lovie na makakaya nito ang lahat ng mga pagsubok sa PMA.

Call us!

Ni hindi pa nga daw ito nag girlfriend dahil gusto nitong masuklian ang kanyang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.

Dahil hindi na nila pinoproblema ang pagmamatrikula ng panganay ay pinayagan na nilang mag-asawa na kumuha ng nursing, isang magastos na kurso, ang kanilang bunso.

Nakapagpatayo na rin sila ng bahay sa isang magandang subdivision sa kanilang lugar.

Call us now!

Wala na daw mahihiling pa si Novie kundi ang mapanatiling malusog ang pangangatawan nilang mag-anak.

Tunay ngang pinagpala si Lovie dahil hindi lang masaya at puno ng biyaya ang kanyang pamilya, sinuwerte pa siyang makapasok sa mga among napakabait at talagang parang kapamilya ang turing sa kanya.

Sa katunayan, kasabay siyang kumain ng pamilya ng amo, at kung ano ang kanilang kinakain ay ganoon din ang kanya.


Call now!
Ang medyo ikinakalungkot lang niya ay ang isa niyang alaga na hirap na hirap sa pag-aaral. Sinasabihan pa lang daw ito ng mga magulang na kunin ang kanyang kwaderno para mag-aral ay umaagos na ang luha ng bata dahil alam nito na mapurol ang kanyang ulo.

Tuwing may pagsusulit ay laging bagsak ang grado nito, at kung minsan pa ay itlog o zero ang nakukuha nito. Ang mas nakakalungkot sobrang talino ng kapatid nito kaya mas lalong nawawalan ng kumpiyansa sa sarili ng bata.

Hindi mapigilan ni Lovie na mag-isip na suwerte pa rin siya dahil parehong matalino ang kanyang mga anak. Ang mas mahalaga, parehong masunurin pa ang ang mga ito.

Si Lovie ay tubong Pangasinan, 51 taong gulang at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa New Territories – Marites Palma
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us now!












Don't Miss