Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Panalo-talo sa mga artista sa eleksyon

15 May 2019


Maraming mga artista ang nanalo sa katatapos na eleksyon sa Pilipinas. Ang ilan ay kasikatan lang ang talagang pinanghawakan, pero marami ang may track record na sa pagbibigay serbisyo bagamat hindi maikakaila na nakatulong din ang matunog nilang pangalan.

Vilma Santos

Kabilang sa mga pinakasikat na nanalo si Vilma Santos – Recto, na na-reelect bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas. Hindi naging kataka-taka ang panalo ni Vilma dahil hindi pa siya natatalo sa anumang eleksyon na sinalihan niya. Katunayan ay kinunsidera din siyang tumakbo bilang bise-presidente ng Liberal Party noong 2016, bago napunta kay Leni Robredo ang puwesto.

Hindi lang naman kasi kasikatan ang kanyang puhuhan kundi pati ang naipamalas niyang kakayahan sa serbisyo, hindi lang bilang kongresista kundi pati na rin bilang dating gobernador ng probinsiya.


Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Sa isang banda, si Edu Manzano na dati niyang kabiyak at ama ng kanyang anak na si Luis o Lucky ay hindi pinalad na magwagi bilang kongresista ng San Juan. Tinalo siya ni Ronny Zamora.

Ilang beses na ring natalo si Edu sa kanyang pagtakbo sa iba-bang pwesto, bilang senador noong 2016, bise-presidente noong 2010, at alkalde ng Makati noong 2001. Subalit sa kanyang unang kandidatura bilang bise alkalde ng Makati noong 1998 ay lumamang siya ng malaki sa kalaban.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Nitong huli niyang pagtakbo ay nagkaroon pa ng aberya dahil nagdesisyon ang Commission on Elections na ibasura ang kanyang kandidatura dahil hindi daw siya Filipino citizen kundi isang Amerikano, nang mag file siya ng kanyang certificate of candidacy.


Vico Sotto, panalo din

Bagamat hindi siya artista ay matunog na matunog din ang pangalan ni Vico Sotto, na anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Opisyal na siyang prinoklama na alkalde ng Pasig City ilang oras matapos ang eleksyon dahil nakakuha siya ng halos doble ng boto ng kanyang katunggali, ang reelectionist na si Bobby Eusebio.

Vico Sotto

Kasabay siyang iprinoklama ni Roman Romulo, anak ng dating Foreign Affairs Secretary Bert Romulo, na natambakan nang husto ang katunggali sa pagiging kinatawan ng kaisa-isang distrito ng Pasig.

Call us!

Kahit malinaw na ang kanyang pagkapanalo ay hindi agad iprinoklama si Vico, dahilan para dalhin niya ang kanyang mga katanungan at reklamo sa twitter.

Si Vico na dating konsehal ng Pasig ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, at nangampanya dala ang pangako na wawakasan niya ang katiwalian sa siyudad.

Call us now!

Kabilang din sa mga nagwagi ang asawa ni Heart Evangelista na si dating Senador Chiz Escudero bilang gobernador ng Sorsogon; at si Jay Kongjhun, boyfriend ni Aiko Melendez, bilang bise gobernador ng Zambales.

Lucy Torres-Gomez

Sigurado na din ang panalo bilang alkalde ng Ormoc City si Richard Gomez, at bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Leyte ang kanyang reelectionist na maybahay na si Lucy Torres-Gomez. Tagumpay din  si Angelica Jones bilang board member ng Laguna, at ni Ina Alegre bilang mayor ng Pola, Oriental Mindoro.

Hindi pa naproklama nguni’t malamang na panalo na rin sina sina Imelda Papin bilang bise gobernador ng Camarines Sur at Daniel Fernando bilang gobernador ng Bulacan.

Ang iba pang panalo:

- Charee Pineda bilang councilor ng second district ng Valenzuela City

- Vandolph Quizon at Jomari Yllana bilang konsehal ng 1st District, at si Ryan Yllana sa second district ng Paranaque City.

Call now!

- JC Parker na dating Viva Hot Babes bilang konsehal ng lone district ng Angeles City;

- Gian Sotto, anak ni Tito Sotto, bilang bise alkalde ng Quezon City, katuwang ni Mayor Joy Belmonte;

Ang mga natalo:

- Dominic Ochoa bilang konsehal sa ikalawang distrito, at Rochelle Barrameda sa 1st District, ng Paranaque City

- Jeremy Marquez (anak ni Joey Marquez) bilang bise alkalde

- Andrea del Rosario, na bigong makaupo muli bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas.

Pamilya Estrada, matindi ang pagkatalo

Sa hanay ng mga talunan, pinakamatindi ang inabot ng pamilya ni Joseph Estrada, na tinalo ni Isko Moreno sa kanyang muling pagtakbo bilang alkalde ng Maynila.

Ang mas masaklap, ang dalawa niyang anak sa magkaibang asawa na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito ay mukhang matatalo din bilang senador. Nasa no 13 si JV sa kasalukuyan, samantalang no 15 naman si Jinggoy, na nakulong na ng dalawang beses dahil sa mga anomalyang kinasungkutan.

Hindi rin pinalad ang anak niya sa dating aktres na si Laarni Enriquez na si Jerika Estrada

sa tangkang makupo bilang konsehal ng ika-apat na distrito ng Maynila.



Ang anak naman ni Jinggoy na si Janella Estrada ay natalo naman ni Francis Zamora sa labanan sa pagka alkalde ng San Juan City. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na walang Ejercito o Estrada na nakaupo bilang opisyal ng siyudad.

Pati ang dalawang pamangkin ni Erap na sina Gary Estrada at ER Ejercito ay natalo sa pagtangkang mahalal sa puwesto – si Gary bilang bise alkalde ng Cainta, Rizal at si ER bilang gobernador ng Laguna. “It’s a sad day for the family,” sabi ni JV sa isang panayam.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Call us!
Call us!


Don't Miss