Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Na-homesick si ate

08 May 2019


Tuwang tuwa si Elvie, kapatid ni Gina na nagtatrabaho sa Hong Kong, dahil nakuha siya bilang dependent ng isa pa nilang kapatid na nasa Australia.

Lagi na lang masasayang mukha ni Elvie ang makikita sa kanyang Facebook account, at halatang halata na excited siyang umalis.

Ngunit isang linggo pa lang siya doon ay unti-unti nang nawala ang saya sa kanyang mukha, at luha na ang tumutulo sa kanyang mga pisngi araw-araw.

Nami-miss na daw niya ang buhay sa Pilipinas na may mga kapitbahay at maraming nakakausap araw araw.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Hindi nagtagal ay nangamba si Gina dahil bigla na lang nawala ang account ni Elvie sa Facebook at hindi na ito ma-kontak.

Agad niyang tinawagan ang nakababatang kapatid nila na nasa Australia, at doon niya nalaman na grabe ang tama ng pagkahomesick sa kapatid nilang 43 taong gulang at walang asawa.

Iyon ang unang beses na lumabas ito ng bansa at sobra ang dinanas na hinagpis sa pagkakalayo niya sa kanilang mga magulang.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ang akala daw nito ay madali lang mag abroad pero napakahirap daw pala.

Napakasakit daw sa kalooban na wala ka sa piling ng mga magulang na araw araw mong kasama dati.

Tanong nito kay Gina, di lalo nang mahirap sa iyo dahil may apat kang anak.

Paano daw nito nakayang labanan ang pangungulila?

Call us!

Kahit anong pasyal daw ang ginagawa kay Elvie, kasama pati ang shopping ay hindi naibsan ang lungkot nito.

Dumating sa punto na natakot na ang nakababata nilang kapatid kaya nagkasundo silang pauuwiin na lang si Elvie para mapanatag ang loob nito.

Noong malapit nang umuwi sa Pilipinas si Elvie ay muli itong nagbukas ng Facebook account, at halatang halata ang tuwa nito.

CALL US NOW!

Natatawa na lamang ang dalawa nitong nakababatang kapatid dahil ni hindi daw tinanggal ni Elvie ang lahat ng mga damit mula sa maleta para isabit sa aparador na inilaan para sa kanya.

Ganoon katindi ang lumbay na inabot nito dahil napalayo sa mga magulang at kababayan.

Nanghihinayang man ang mga kapatid sa nagastos nila sa pagpunta sa Australia ni Elvie ay mas importante naman daw ang kalusugan nito.

Nang pauwi na ay saka bigla itong ginanahan mag shopping.

Call now!

Nagpabili pa ng de-tatak na relo kay Gina para magmukha siyang balikbayan pag-uwi niya.

Natatawa na lamang si Gina sa sinapit ng kapatid, na inasahan nila na makakapagtrabaho din sa Australia para makatulong sa kanilang pamilya.

Dahil wala itong sariling pamilya ay inakala nilang hindi mahihirapan manirahan sa ibang bansa.

Ang isa na lang daw na kapatid nila na may asawa't anak na ang yayakagin nilang mangibang bayan at baka sakali daw ay masanay sa buhay abroad.

CALL US

Ayon kay Gina, tunay ngang kinabukasan ng mga anak ang nagpapalakas ng loob ng isang OFW para labanan ang pangungulila.

Si Gina ay isang Bisaya, 44 taong gulang, at may apat na anak na iniwan sa pangangalaga ng kanyang butihing asawa. – Marites Palma

===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Call us now!

CALL US!

Call us!
Don't Miss