Ni George Manalansan
Our columnist for this issue is George Manalansan, one of the most prolific contributors of The SUN. When not busy composing and poring over his stories, George spends his time helping out with the financial literacy training of CARD HK Foundation, where he is one of the trainors, or helping promote Philippine culture through Lakbay Dangal, where he is one of the officers. George, a true-blue Capampangan, has been working as a driver in Hong Kong since 1994. He is married to a fellow former OFW Rose, with whom he has three grown-up children: Euro Jerome, Jerico and Abigael. – Ed
Napapaluha si Sayong, 56, tuwing ikinukwento ang hindi malimutang karanasan sa ibayong dagat. Ang pinakamasaklap na sumubok sa kanyang katatagan ay nangyari taong 1985 nang biglang mamatay ang kanyang ama, tatlong buwan lang pagkatapos niyang tumulak papuntang Singapore.
Nasambit daw niya noon ang, “Diyos ko, bakit ba napaka unfair ng buhay?”
Press ad to find out 5 selected agent locations, and terms of this promo. |
Pangarap kasi niyang mabigyan ng ginhawa ang ama at iba pang miyembro ng kanyang pamilya, pero sa kanyang pag-alis ay hindi niya akalain na hindi na pala niya ito makikitang muli. Ni hindi man lang niya nasulyapan ang ama sa huling hantungan.
Inilihim sa kanya ng pamilya ang nangyari dahil alam nilang hindi naman siya basta-basta makakaalis at wala ding pera dahil inutang lang din ang ibinayad niya sa ahensya. Nalaman din niya ito bandang huli sa kanyang pinsan, pero nailibing na ang kanyang mahal na ama.
PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
Ayon diumano sa doktor, “pumuti” o nalason ang dugo ng kanyang ama, at ang posibleng dahilan ay ang insecticide na ginagamit nila na pang spray ng palay.
Sa mga panahong iyon, ramdam na ramdan niya ang hirap ng nangangamuhan. Isinusulit daw talaga ng employer ang pasweldo nito. Nandyan na pati pagpintura, pagbakbak ng lumang flooring, pagluluto, paglilinis, pag-aalaga ng bata, aso, at kung ano mang kailangang gawin ay kasama siya.
Call us! |
“Ah, basta mahirap” wika niya.
Hong Kong ang sumunod niyang pinuntahan at dito siya tumagal ng 20 taon. Nakapag-asawa siya at nagkaroon sila ng tatlong anak sa loob ng panahong ito.
Sa mga panahong iyon, ang talagang tumatak sa isip niya ay kailangan niyang magsikap dahil sadya daw na napakahirap ang maging mahirap. Isinumpa niya sa sarili na kung hindi man siya yayaman ay titiyakin pa rin niya na hindi siya kukulangin sa kanyang pangangailangan.
CALL US NOW! |
Ngayon ay nakabalik na siyang muli sa Pilipinas at napagtapos na ang dalawang anak sa kolehiyo, katuwang ang kanyang mister sa Pampanga. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya pinabayaan ng Panginoon, kahit minsan na rin niyang kinuwestiyon kung bakit sunod-sunod ang naging dagok sa buhay niya.
Penitensya
Daig pa ni Rica, 45, ang nagpenitensya nitong nakaraang Mahal na Araw dahil sa dami ng mga inutos sa kanyang gawin hindi lang ng mga amo, kundi pati ng mga kamag-anak ng mga ito.Ayon kay Rica, nagbakasyon ang mga amo niya sa South America, pero imbes makapahinga ay mas lalo daw dumami ang mga pinapagawa sa kanya. “Ugali na yata ng Intsik ang ipasulit ang pasweldo,” himutok ni Rica.
Call now! |
Unang una sa pahirap na trabaho na pinagawa sa kanya ay iyong ipa shampoo ang malawak na carpet sa bahay ng mga amo. Dati-rati ay umuupa daw ang mga ito ng mga professional na tagalinis ng carpet, pero dahil sa sulsol ng isang kaibigan, bumili ang mga amo niya ng mamahalin na multi-function vacuum cleaner at pinaturuan siya kung paano gamitin ito. Ayun, halos maghapon niyang ginamit ito para malinis ang carpet ng akala mo ay propesyunal ang gumawa.
Bukod sa iba-ibang bilin ng mga amo ay kabi-kabila din daw ang mga nakakairitang tawag ng mga kamag-anak ng amo para ipagluto niya sila, kabilang na ang anak ng mga ito na may asawa. Tingin daw siguro ng mga ito ay libreng libre siya dahil wala ang kanyang mga amo.
Ayon kay Rica, mas gusto pa niya na nasa Hong Kong ang mga amo dahil sa pakiramdam niya ay mas pagod pa siya kapag umalis sila. Sa loob ng tatlong linggo na wala ang mga amo ay pinutakte daw siya ng mga pakisuyo ng mga kamag-anak ng mga ito kaya daig pa niya ang may panata.
CALL US |
Nadagdagan pang lalo ang mga gawain niya dahil isiningit niya ang pag empake ng kahon para ipadala sa Pilipinas. Buong akala daw kasi niya ay marami siyang libreng oras, yun pala ay mas lalo siyang patay sa pagod. Inisip na lang niya na talagang penitensya para sa Mahal na Araw ang ginagawa niya.
Ngayong Mayo ay parating na ang kanyang mga amo, kaya bilang na ang araw ng kanyang kalbaryo. Tuwang tuwa si Rica dahil sa wakas ay iisang pamilya na lang ulit ang pagsisilbihan niya.
Sa kabila ng mga ito, hindi na bago kay Rica ang makita at marinig ang mga nagpe penitensya sa ganitong panahon. Siya ay tubong Pampanga, at nakalakhan na niyang makita ang mga namamanata na may pasan na krus habang nilalatigo ang sugat-sugat na likod. Ang iba nga ay taon-taon na nagpapako sa krus bilang tanda na sila ay nagtitika sa kanilang kasalanan.
===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Call us now! |
Call us! |