Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lakbay Dangal, sinariwa ang simulain

07 May 2019

Mga lider ng Lakbay Dangal bumisita sa tinirhan ni Rizal sa Mid-Levels.


Ni George Manalansan

Muli ay nagsagawa ang Lakbay Dangal ng isang pagbabalik-tanaw sa kasaysayang nag-uugnay sa Pilipinas at Hong Kong sa pamamagitan ng paglalakad tungo sa mga lugar na may kaugnayan sa ating Pambansang Bayani, si Dr. Jose Rizal.

Ang pagsariwa sa nakaraan ay isinawa noong ika-31 ng Marso, bilang paggunita sa ika-9 na taong anibersaryo ng grupo na ngayon ay pinangungunahan ni Cecil Eduarte.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Ang Lakbay Dangal na itinatag ni Fr. Robert Reyes noong 2010 ay isang samahan ng mga migranteng manggagawa na naglalayon na ilapit sa publiko ang kuwento tungkol sa naging ugnayan ng Pilipinas at Hong Kong, ilang siglo na ang nakakaraan.

Tampok sa ugnayang ito ang pagtira ni Dr. Rizal sa Hong Kong mula sa taong 1891 hanggang 1892.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Kabilang sa mga lugar na pinupuntahan ng grupo sampu ng kanilang mga bisita ang Rednaxela Terrace sa Mid-Levels kung saan tumira ang bayani, at ang dalawang lugar sa Central kung saan nagtayo ng klinika si Rizal na isang doktor sa mata.

Isinasama din minsan ang lugar sa Morrison Hill sa Wanchai kung saan tinahi ng isang grupo ng mga kababaihan sa pangunguna ni Marcela Agoncillo, ang kauna-unahang watawat ng Pilipinas.

CALL US NOW!

Nais ng grupo na ipagmalaki ng lahat ng mga Pilipino, kabilang ang mga migrante, ang makulay na kasaysayan at kultura ng kanilang bansa para taas-noo din nilang bagtasin ang landas na tinahak ng kanilang mga ninuno, ang “Lakbay Dangal.”

Kamakailan ay muling binigyan ng buhay ang grupo ng isa sa mga dating namuno dito, si Sonia Zerrudo, na sa Thailand na namamalagi. Nag-eleksyon ng mga bagong mamumuno, at nanghila ng ilang bagong miyembro.

Call us!

Matapos mahalal bilang lider, inumpisahan muli ni Eduarte ang pagsasaliksik sa kasaysayan ng mga piling tambayan ng mga Pilipino sa Hong Kong, kabilang ang Chater Garden. Ayon sa kanilang nakalap, ipinangalan ang hardin na ito kay Paul Charter, na tinaguriang “Father of Modern Hong Kong.”

Mui ay binisita din nila ang dating tirahan ni Rizal, at pati na rin ang dalawang klinika nito. Sa umaga ay sa D’Aguilar street ito nanggagamot, at sa hapon naman ay sa Duddell St.

Call now!

Ibinahagi din ni Eduarte ang ilang piling pangyayari na naganap sa Hong Kong, na ang pangalan ay naggaling sa salitang “heung geung” na ang ibig sabihin ay mabangong daungan. Ayon sa kanyang salaysay, ang dating daungan lang ng mga mangingisda noong unang panahon ay isa na ngayong sentro ng kalakalan.

Call us now!

Ikinuwento din niya na ang estatwa na tinaguriang “Black Man” ng mga migrante ay rebulto pala ng Scottish banker na si Thomas Jackson, na noon ay chief manager ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation, na mas kilala ngayon bilang HSBC.

Ayon pa sa kanya, ibinalik ng Britanya ang Hong Kong sa Tsina noong 1997, bilang pagtupad sa kanilang kasunduan na maari lang manatili ang dayuhang mananakop dito sa loob ng 100 taon.

CALL US

Matamang nakinig ang mga miyembro sa kanyang paglalahad para kung sakaling may mga kaibigan o bisita sila na interesado ay maaari din nilang isama ang mga ito sa tinagurian nilang Lakbay Dangal walk.
===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Call us now!

CALL US!

Call us!


Don't Miss