Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lakad kawanggawa, lakad biyaya

18 May 2019



Ni George Manalansan

Hindi alintana ng grupo ni Cheryl Gomez ang malakas na buhos ng ulan noong Sabado, ika-4 ng Mayo, nang maglakad ang kanyang grupo papanhik sa bulubundukin ng Thousand Islands sa Tai Lam Chung sa Tuen Mun, New Territories, para makalikom ng pondo para sa kawanggawa.

Umabot sa 10 ang sumama para magsaya at makaipon ng pera na laan sa mga estudyante ng Maytaraw Primary School sa Libacao, Aklan.

Kanilang binagtas ang madulas at maputik na daan na may habang 3 kilometro para isagawa ang kanilang misyon para sa kawanggawa. Matiwasay naman nilang natapos ang lakad na inabot ng dalawang oras, kasama na ang panaka-nakang pag selfie.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ang lahat na kasali ay nagsabing guminhawa ang kanilang pakiramdam dahil sa ehersisyo, at  nakahanap pa sila ng mga bagong kaibigan.

Kabilang sa kanila si Alona Tercepona na nagsabi na hindi naging madali ang kanilang paglalakad dahil medyo madulas ang daan gawa ng pag-ambon ambon, at matalahib din.

“Pero very careful naman kami kaya natapos namin ng safe (ang lakad),” sabi niya.

Call us!

“Alam namin na marami ang nangangailan ng tulong pero we are no hero kaya pa isa-isa lang ang pagtulong, gaya nitong pagbili naming ng school supplies sa mga estudyante ng Maytaraw for the coming school year 2019- 2020.”

Ayon pa kay Alona, mahilig talaga ang kanilang grupo na maglakad dahil kakaiba ang tuwa na nararamdaman kapag narating na ang tuktok o dulo ng paroroonan. Ibang klase din ang pakiramdam kapag nakalayo kahit pansamantala sa ingay at gulo ng mga mataong kalsada ng Hong Kong.

Dahil dito ay naisip daw nila na gamitin ang hilig para makatulong sa kapwa o sa komunidad na kanilang ginagalawan.

Call us now!

“I was touched by the sad plight of students and teachers in Maytaraw so we decided to push the hike to help them kahit papaano,” sabi ni Alona na naniniwala daw sa sinabi ni Marianne Moore na, “The heart that gives, gathers.”

Hindi pa man natatapos ang kanilang pagpanhik sa Thousand Islands ay naplano na nilang magsagawa ng isa muling hike for charity, at balak nilang isama bilang katuwang sa proyekto ang Wimler Foundation, na nagbibigay tulong din sa mga batang mag-aaral sa Pilipinas.

Call now!

Dagdag ni Cheryl: “I have been hiking for 10 years though irregularly. Wala po akong sariling grupo noon, kaya kung kani-kaninong group ako sumasama, mapa Indonesian yan or Filipino. Mayroong easy, moderate o extreme hikes, at lahat sinasamahan ko.”

Dahil sa pagsama sa mga hike for a cause katulad ng “One for Bataan” para sa mga nasunugan sa probinsiya, at “One for Porac” para naman sa mga biktima ng lindol sa bayang ito ng Pampanga kaya naengganyo siyang itatag itong lakad na ito.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

“I’m so thankful na kahit very limited ang time ng anunsyo suportado ako ng mga kaibigan ko at mga naimbita,” sabi ni Cheryl.

Masaya sila kahit mukhang basang sisiw sila habang naglalakad dahil sa panaka-nakang pag-ulan.

Kabilang sa kanila si Gigi Lingao na nag-enjoy ng husto sa lakad.



 “Ako yata ang pinaka matanda sa kanila. I enjoyed hiking with them kahit hindi ko kilala yung iba. Feeling young (ako) kasi tawanan kami lagi. Maganda talaga sa kalusugan ang hiking. Doble benepisyo din sa akin kasi my body was energized and I gained new friends.”

Dagdag niya, “Masarap sa pakiramdam kaya kahit 43 na ako pero feeling 30 lang. Isasama ko na talaga sa fitness goal ko itong hiking at least once a month. Nakakawala ng stress dahil unlike kung nasa mall ka puro gastos at temptation sa pagbili ang nangyayari.”

Iba naman ang dahilan ni Chinchin Recasa kung bakit ubod ng saya ang ginawa nilang paglalakad.

“Eto ang pinakamasaya kasi some hikers tubig lang ang dala paakyat ng bundok, sa amin puno ang bag ng pagkain,” ika niya.

Natutuwa daw siya na nakatagpo ng mga bagong kaibigan, at higit sa lahat, ang mapangiti ang mga batang natutulungan nila kahit sa maliit na bagay.

“Para sa kanila, malaking bagay na ito. Sana ay maging inspirasyon nila sa bawat araw ng paglalakad nila patungo sa eskwela na may mga taong handang tumulong sa kanila.”

Pagbabahagi naman ni Belle Gamarcha, “Kahit gaano man kahirap ang daanan ay nagpatuloy lang kami. Positive ang pananaw ng lahat, kaya panay kami kulitan at tawanan, talagang nakakagaan ng pakiramdam.”

Kakaiba daw ang pakiramdam ng mga nag ha hike dahil sa bukod sa sariwang hangin na malalanghap at magagandang tanawin ay may goal ka, yung maabot ang pinakatuktok ng lakaran.

“Pagbaba ninyong lahat at tiningnan mo yung pinanggalingan ninyo, masasabi mo sa sarili mo ang, ‘noon tinitingnan lang kita, ngayon ay narating na kita”.

Pagkatapos ng kanilang mahabang paglalakad ay dumiretso sila sa Bayanihan Centre para bumoto kaya naging mas kapaki-pakinabang ang kanilang araw ng pahinga.

Para sa gustong sundan ang kanilang mga hakbang, sumakay lang ng MTR mula sa Central papunta sa Nam Cheong, at saka bumaba sa interchange para sa Tuen Mun. Bumaba sa istasyon ng Tuen Mun at kunin ang exit C. Mula sa palengke ng Tuen Mun ay sumakay sa green minibus 43. Sa panghuling babaan ay makikita ang daan paakyat sa Thousand Island.
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!



Don't Miss