Pagkatapos ng ilang buwang paninilbihan ni Liza sa dalawang pamilya ay bumagsak ang kanyang pangangatawan dahil sa sobrang dami ng kanyang trabaho.
Halos wala na siyang pahinga dahil sa paroon at parito sa dalawang bahay, dahil inobliga siya ng kanyang amo na pumunta sa kapatid nito para magtrabaho din doon. Nang hindi na kaya ng kanyang powers ang trabaho ay tumanggi na siya sa ilegal na utos ng amo, dahilan para pababain siya agad kinabukasan.
PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
Hindi natakot si Liza dahil alam niyang labag sa batas ang inuutos ng kanyang amo, bukod pa sa hindi pagsunod nito sa mga obligasyon nito ayon sa kanilang kontrata.
Nagtungo si Liza sa isang organisasyong tumutulong sa mga dayuhang kasambahay na inaapi, at ipinakita ang lahat ng kanyang mga patunay.
Call us! |
Kabilang na dito ang pagtanggi ng kanyang amo na magpatingin siya sa doktor dahil sumasakit ang kanyang dating operasyon sa dibdib.
Pero ang pinakamatindi ay ang pahirap na inabot niya dahil sa pagtatrabaho sa dalawang bahay.
Call us now! |
Umaabot ng hanggang alas onse ng gabi kung matapos si Liza sa isang bahay, pero sa kanyang pagbalik sa amo ay kailangan pa rin siyang magtrabaho bago matulog.
Kinabukasan kapag natapos ang trabaho sa tinutulugang bahay ay lilipat na naman siya sa kabila.
Call now! |
Bagong salta man si Liza sa Hong Kong ay buong tapang niyang kinasuhan ang kanyang amo sa tulong ng mga kaibigan at ilang kapanalig sa simbahan.
Sa boarding house ng isa sa kanyang mga kapanalig nakitira si Liza nang siya ay biglang pinababa, at nakatulong ito ng malaki para lalong tumatag ang kanyang loob.
Ayon kay Liza mabuti na lamang daw at may ganitong pribelehiyo sa kanilang simbahan dahil kahit pati pagkain sa araw-araw ay hindi niya iniintindi.
Nakatakdang magharap si Liza at ang kanyang dating amo sa ikatlong lingo ng Mayo at ngayon pa lang ay buo na ang loob ng kasambahay na ipaglaban ang lahat ng kanyang mga karapatan.
Press ad to find out 5 selected agent locations, and terms of this promo. |
Si Liza ay may asawa at dalawang anak, na ang panganay ay nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Sila ay nakatira sa Cagayan Valley. – Marites Palma
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!