Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Inis sa epal at sipsip

08 May 2019



Inis na inis si Lani sa yaya ng kalaro ng kanyang alaga na si Lara dahil sa sobrang kaplastikan nito tuwing nakikipag-usap sa kanyang amo.

Panay ang puri ni Lara sa amo  ni Lani na napakaganda daw mga suot niyang damit, na bagay na bagay niya ang mga bag na gamit niya at sosyal na sosyal daw ang dating, at marami pang papuri.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Pero kapag nakatalikod na ito ay puro pintas naman ang sinasabi ni Lara sa kanilang mga magkakaibigan.

Sa malas e tuwang tuwa naman ang amo ni Lani sa papuri kaya binibigyan nito si Lara ng bag at sapatos.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Mismong amo ni Lani ang nagsabi na para kay Lara ang mga nakasilid sa dala-dala nitong shopping bag.

Kaya minsan na may nakita na naman si Lani na dala-dalang gamit ng amo ay tinanong niya kung ibibigay ba nito ang mga iyon kay Lara.

Call us!

Ang sagot ng amo ay hindi dahil bago pa daw mga iyon.

Napangiti si Lani dahil luma lang pala ang kaya nitong ibigay sa pumupuri sa kanya, samantalang ang mga kapatid ng kanyang among lalaki ay puro mga bago ang binibigay sa kanya at may mga tatak pa.

CALL US NOW!

Masakit daw yata ang loob ng kanyang among babae sa kanya dahil binibigyan si Lani ng mga mamahaling gamit samantang siya ay walang natatanggap sa kanila.

Naisip ni Lani na kaya siguro sinadyang bigyan si Lara ng mga pinaglumaang sapatos at bag ay para siya ay inisin, pero wala namang epekto ito sa kanya, lalo at panay luma naman ang pinamimigay nitong gamit.

Call now!

Si Lani ay kasalukuyang nainilbihan sa mga among Intsik sa New Territories, may asawa at mga anak, at nakatakdang umuwi sa susunod na buwan para daluhan ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang panganay na anak.

CALL US

Si Lara naman ay Bisaya din at solong magulang ng dalawang anak, at naninilbihan din sa mga Intsik na amo sa New Territories. – Marites Palma
===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Call us now!

CALL US!


Call us!

Don't Miss