Unang dumating sa Hong Kong noong ika-7 ng Marso si Celina, isang Bisaya, 34 taong gulang, may asawa at tatlong taong gulang na anak na babae.
Dalawang araw pagdating niya ay pina check up siya ng amo, at lumabas sa resulta na buntis siya.
Press ad to find out 5 selected agent locations, and terms of this promo. |
Malamang na nabuntis siya dun sa ilang araw na hinintay niya bago siya lumipad papuntang Hong Kong dahil pasado naman siya sa medical test niya nung mag-aplay siya.
Agad nagdesisyon ang amo at ang agency niya na pauwiin siya.
PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
Pinamili siya sa dalawang bagay: ipalaglag niya ang bata at bumalik sa Hong Kong para magtrabaho, o bayaran ang lahat ng nagasta sa pagpapapunta sa kanya sa Hong Kong.
Pinili niya ang magpalaglag, at sa opisina pa ng ahensiya niya sa Pilipinas siya tumuloy.
Call us! |
Pagbalik niya sa Hong Kong mga dalawang linggo na ang nakakaraan ay dumiretso na siya sa bahay ng amo niya sa may Olympic Station.
Agad siyang pinapirma ng kasulatan na hindi siya mag de-day off sa unang tatlong buwan ng kanyang paninilbihan, at pinirmahan naman niya.
CALL US NOW! |
Pero dahil nahihirapan ay humingi siya ng payo sa isang kaibigan na datihan na sa Hong Kong.
Sabi ng kanyang kaibigan,unang una ay dapat ay hindi siya pumayag na ipalaglag ang kanyang dinadala.
May grupo naman na matatakbuhan ng mga migranteng buntis sa Hong Kong, ang PathFinders.
Call now! |
Maari din siyang sumangguni sana sa Konsulado o sa Philippine Overseas Labor Office.
Yung tungkol naman sa pinirmahan niya na wala siyang day-off ay labag iyon sa batas at walang bisa.
CALL US |
Maaari siyang magreklamo sa Labor Department o sa POLO tungkol dito.
Muli ay pinag-iisipan ni Celina ang dapat gawin dahil takot na takot siya talaga na mawalan ng trabaho dahil kailangan ng kanyang pamilya ang pera.
Ang asawa niya ay tricycle driver lang at hindi sapat ang kinikita para buhayin ang kanilang pamilya, lalo na at malapit nang mag-aral ang kanilang anak. – Merly Bunda
===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Call us now! |
CALL US! |
Call us! |