Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bumoto ka na!

03 May 2019



Napansin mo ba? Kapag may balita ang The SUN tungkol sa nagaganap na botohan, marami ang nagko-komento na kesyo may nangyayaring dayaan. Mga komentong ang basehan ay puro haka-haka,  at walang ebidensiya. Sa tono ng kanilang pananalita, at sa direksiyon ng kanilang akusasyon, ay matutukoy mo kung saang kampo galing ang mga ito.

Simula pa noong unang araw ng botohan—may Facebook  “Live” pa sila at ipinakita ang isang kasamahan na bumoto nang labis (o nag-overvote)—pilit nilang sinisiraan ang elekyon. Paulit-ulit. Walang humpay.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Hindi na ito bago. Noong World War II, ito ang sinabi ni Joseph Goebbels, ang punong propagandista ni Hitler: “If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it.”

Bakit nila ginagawa ito?

Call us!

Sa Pilipinas kasi, walang nananalo sa botohan. Ang natalo, sasabihin ay dinaya sila. Ang nanalo, sasabihin nilang nandaya. Ano ba naman kung hindi pa natatapos ang botohan ay magpakalat na ng kwentong nadaya sila, upang masabi sa huli na tama ang hinala nila dahil natalo sila.

CALL US NOW!

Pero may isa pang dahilan upang tayong lahat ay mangamba na nangyayari ito.

Call now!

Halimbawa, sa isang lugar ay may sampung botante. Tatlo sa kanila ay solido sa isang kandidato. Siyempre, hindi sapat ang kanilang hanay upang manalo, at hindi nila alam kung sino ang iboboto ng natitirang pito na kanya-kanya ang diskarte.

Call us now!

Upang sila ang manalo, kukumbinsihin nila ang taumbayan na bumoto man sila o hindi, may nandaraya at may nanalo na, kaya huwag na lang silang bumoto.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ayon sa Konsulado, ang target ay umabot sa kalahati ng mga rehistradong botante ang mga boboto sa eleksiyong ito. Pero sinabi na nila na mahihirapang maabot ito, at masaya na sila kung umabot ito sa 28% na naitala noong 2013. Kung mangyari ito, wala pang tatlo sa bawa’t sampu ang boboto, kaya  panalo na ang organisadong grupo kahit hindi sila ang mayorya. Kahit nga umabot sa 50% ang bumoto ay panalo  pa rin sila sila.

CALL US

















Papayag ka ba na sila ang magdikta sa gagawing desisyon ng bayan? Binigyan ang mga OFW  ng isang buwan na iparinig ang ating boses. May panahon ka pa para hindi ito masayang.

===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
Call us now!

CALL US!

Call us!

Call us!

Call us now!
Don't Miss