Ni Jacklyn R. Evangelista
Ang may-akda, isang domestic worker na 29 taong gulang, ay nagpahanga sa maraming kapwa migrante kamakailan nang ipakita niya sa isang Facebook post ang kanyang mga dibuho, at sinabing ginugugol niya sa pagguhit at pagpinta ang kanyang mga libreng oras. Suwerte daw siya dahil todo-suporta sa kanya ang kanyang amo. Agad na umani ng mahigit 1,000 “likes” ang kanyang post, at halos lahat ay nagpahatid ng kanilang paghanga sa galing ng kanyang kamay. Sa kanyang artikulo, nagpakita si Jacklyn ng galing sa iba pang larangan, ang pagsulat. Tunghayan ang kanyang naiibang karanasan. – Ed
Ako ay mula sa Brgy. Minuli, Carranglan,Nueva Ecija, at dito nagtatrabaho sa Tai Po, New Territories. Apat na taon na ako sa Hong Kong, at finished contract sa dalawang amo, at ngayon ay kare-recontract pa lang.
May alaga akong babae na 11 taong gulang at alam ng amo ko na marunong akong gumuhit dahil nung simula palang na nainterview nila ako ay agad nila akong tinanong kung anong skills ko, at agad ko ding sinagot na pagguhit, at natuwa naman sila dahil sa wakas daw ay may magtuturo na sa anak nila.
Press ad to find out 5 selected agent locations, and terms of this promo. |
ANG MGA IGINUHIT NI JACKLYN:
Sa high school, sumali ako sa mga patimpalak gaya ng paggawa ng poster at slogan. Lagi akong pumapangalawa, pero sa slogan ay minsan ko nang nakuha ang pangunahing premyo kaya tuwang tuwa ako sa mga panahong iyon..
Sa kabila ng maraming pagsubok na dumaan sa buhay ko, lalo na sa mga problemang may kinalaman sa pamilya, binibigyan ko pa rin ng pansin ang pagguhit dahil sa paraang ito ay natatakasan ko ang mga sandali ng kalungkutan o kaya’y kabiguan. Kahit ordinaryong lapis at papel lang ang hawak ko ay kontento na ako.
PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
Natatandaan ko pa noong nagpa medical check-up ako bago lumipad papunta ng Hong Kong. Sa part eng psychology ay kailangang gumuhit ng tao at bahay. Lahat ng nakakita sa gawa ko ay gulat na gulat dahil ang husay ko daw! Hindi ko naman maiwasang matuwa sa kanilang sinabi, at pumalakpak ang aking mga tenga.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagguhit hanggang makarating ako sa Hong Kong.
Call us! |
Sa unang kontratang natapos ko ay maluwag ang oras ko dahil madalas magbiyahe ng matagal na panahon ang aking mga amosa former employer ko doon po ako may maluwag na oras sa pag guhit dahil parati po akong naiiwang mag isa pag sila ay nasa travel ng mahabang panahon.At doon din po ako unang nagkainteres sa pagpinta katuwang ko ang mga painting tutorials na napapanood sa youtube.Ito pong amo ko ngayon ay laking tuwa dahil nagkakainteres na ang alaga ko sa pag guhit kaso nga lang hindi na po gaya ng una kong amo na may maluwag akong oras para gawin ang pagpinta o pag guhit.Nagagawa ko nalang pagka umaalis sila saglit.
CALL US NOW! |
Wala po akong group page na sinalihan na base po sa art o pag guhit,kundi DWC help po na kung saan ako nakakabasa ng mga real talk ng ating mga kababayan sa kanilang kani kaniyang amo.Dito ko rin po inupload mga guhit ko na di ko inaasahang magkakaroon ng 1k+reactions at mga comment na kinagagalak ko ng sobra! Maraming gustong magpaguhit at nagtatanong kung magkano ang halaga kaso hindi ko po talaga alam isasagot ko! Haha.
Call now! |
May mga imbitasyon din akong natatanggap na magjoin sa Pintura Circle at Guhit Kulay.Sobrang nakakaeksayted pong sumali at maging part ng ilang mga exhibition nila.
Marami po tayong mga kababayan na nagsasabing wala silang katale-talento kundi ang kumain lamang.Ang masasabi ko lang po sa kanila,sige lang.kain lang po!(biro lang!)
CALL US |
Bawat tao ay may kani kanyang talento.Subukang alamin,dahil may mga talentong natututunan.
===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Call us now! |
Call us! |