Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Share sa utang

09 April 2019



Nakahiram si Vivian ng $20,000 mula sa isang pautangan gamit ang landline ng isa niyang kaibigan para makapangutang, pero ang kapalit nun ay nakihati sa pera ang nagpahiram ng numero ng telepono.

Maganda ang naging usapan nila na babayarin nila sa loob ng isang taon ang perang nahiram.

Call us!

Ngunit nung malapit na silang magbayad sa unang buwan pa lamang ay hindi na mahagilap ni Vivian ang kaibigan.

Blocked na siya sa Facebook page nito at di na matawagan ang mobile niya. Lahat ng contact niya sa kaibigan ay naka block na rin.

CALL US NOW!

Naalarma ngayon si Vivian kaya kinausap niya ang mga kamag-anak ng kaibigang nakipangutang sa kanya, at sinabihan siya ng mga ito na na-terminate na ang hinahanap niya at umuwi na sa Pilipinas.

Hindi naniwala si Vivian sa mga pinapalabas na alibi kaya kinausap niya lahat ang maaring nakakakilala sa kahati para maiparating sa kanya na kailangan na nilang magbayad.

Call now!

Sabi naman daw ng isang kaibigan nito na huwag na lang niyang isipin ang utang, pabayaan lang daw niya ang mga kolektor at kung ma-terminate siya ng dahil dito ay maghanap na lang siya ng bagong amo.

Lalong uminit ang dugo ni Vivian sa narinig. 

Sa kanyang determinadong pagsasaliksik ay nalaman ni Vivian na ang lumoko sa kanya ay may atraso na rin pala sa dating grupo.

Call us!

Marami din daw ang nagpaniwala sa kanyang pagpahiram ng telepono kunyari para makautang.

Nang matantiya niya na wala siyang aasahan na ibalik kusa ng umutang ang kanyang pera ay inilapit na niya ang problema sa Konsulado.

Pinagharap sila doon, at pinapangako ang may atraso na hindi na muling tatakasan pa ang utang.

CALL US!

Ang problema ni Vivian ngayon ay kung magbabayad pa kaya ito sa mga susunod na buwan hanggang matapos ang kanilang kontrata?

Pangako niya sa sarili ngayon na hindi na mangungutang at hindi na daw siya magtitiwala kaagad sa mga mapagkunwaring mga mabait na kaibigan, yun pala ay sila ang magpapahamak sa kanya.

Kaya payo niya na huwag na huwag basta magtitiwala ng ganoon na lamang. – Marites Palma

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Don't Miss