Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ang problema sa pagiging mali-mali

27 April 2019



Patong-patong na kamalasan ang inabot ni Mely kamakailan. Namatay bigla ang kanyang mahal na ina, at mabuti naman ay binigyan siya ng bakasyon ng kanyang mga amo, at binilhan pa ng tiket pauwi.

Sa takdang araw ng kanyang paglipad pauwi noong ika-8 ng Marso ay hinatid pa siya ng among lalaki sa airport, pero ganoon na lang ang kanyang panlulumo nang biglang hindi niya makita ang kanyang passport.

Kahit anong kalkal niya sa kanyang mga gamit ay hindi niya ito makita, kaya inisip niyang naiwan niya lang sa bahay ng mga amo.

Nguni’t imbes isakay siya ulit ng amo pauwi sa kanilang bahay ay sinabihan lang siya nito, na halatang nabuwisit sa nangyari, na dumiretso sa kanyang agency dahil terminated na siya.



Gulong gulo ang isip na pumunta sa Konsulado si Mely para humingi ng tulong, at mag apply na rin sana ng bagong passport kahit wala siyang pera.

Binilinan siya na huwag na huwag pipirma ng anumang kasulatan na iaalok sa kanya ng ahensya.

Nagpasama siya sa isang kaibigan sa pagpunta doon, at katulad ng sapantaha ng taga Konsulado, sinubukan siyang papirmahan ng sulat na nagsasabi na siya ang umaayaw sa kanyang kontrata.

Call us!

Mabuti na lang at alerto ang kanyang kaibigan, at natawagan ang isang lider na tumutulong sa mga migrante para humingi ng payo.

Agad naman nitong kinausap ang ahente na isang kapwa Pilipina, at pinagalitan dahil sa ginagawang panggigipit kaya hindi natuloy ang masamang balak.

Kamakailan, nagpasabi ang kanyang mga amo na hindi na siya ite-terminate, at hiniling na bumalik na sila sa kanilang bahay.

Call!

Gusto man ni Mely na ituloy ang kontrata ay iniisip din niya na humingi ng permiso na ituloy pa rin ang pag-uwi sa Pilipinas dahil gustong ilipat ng bahay ang anak na babae na dating inaalagaan ng nasirang ina.

Sabi naman ng isang kaibigan, baka mahirapan na siyang magpaalam ulit dahil ilang araw na rin ng nakalipas magmula ng takda niyang paglipad sana.

Call us!

Baka kung ipilit niya ay ituloy na talaga ng amo ang banta na putulin ang kanilang kontrata. Litong lito ngayon si Mely dahil parehong mahalaga ang kanyang trabaho at ang kagustuhan na mapangalagaan ang kapakanan ng anak. - DCLM
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Call now!


Call us!


View details...


Don't Miss