Katulad ng karamihan sa migranteng mangagagawa ay ipinagdiwang ni Lilibeth Javonillo, 45, ang kanyang kaarawan noong Marso 31 sa piling ng kanyang barkada. Ang Ilokana ay nag-imbita ng mga kababayan mula sa Ilocos, pero meron ding ibang bisita na galing sa Tarlac, Pampanga at Quezon province.
Nagluto si Lilibeth ng pansit, kanin, nilagang hipon at bumili ng fried chicken, pizza, soft drinks at pati cake bilang panghimagas. Ang ilan sa kanyang bisita ay nagbitbit ng pandagdag tulad ng biko at macaroni salad .
Call us now! |
Ang kanilang puwesto ay sa ilalim ng hagdang paakyat sa Shatin Library, kung saan lagi silang nag to tong-its o kaya ay nagkakantahan gamit ang magic sing pagkatapos ng kani-kanilang mga lakad.
May paluwagan din ang grupo, kung saan ang hulog ng bawat kasapi ay $200 kada buwan, kaya ang kumukubra ng kabayaran tuwing katapusan ay may $2,400.
Sa pagkakataong ito ay nagkuwentuhan ang ilan sa mga bisita. Kabilang sa kanila si Rhodora Martin, 54, dalaga at solong babae sa anim na magkakapatid. Siya ay dumating ng Hong Kong noong 1987. Ayon sa kanya konti pa daw ang Pilipino noon dito at $2,300 pa lang ang sweldo, pero mura pa ang bilihin. Ang set breakfast sa Mac Donald ay wala pa daw $10 at ang set lunch ay nasa $12.90 pa lang. Para makausap ang pamilya sa Pilipinas kailangan na gumamit ng phone booth na huhulugan mo ng barya habang nagmamadali ka sa pagsasalita dahil mahal ang bawat minuto sa tawag. Maari ding magsulatan, pero inaabot ng ilang linggo ang sulat galing sa Pilipinas. Sa kabila nito ay patuloy pa ring nagpapangita ang magkakaibigan tuwing day-off. Kailangan lang na may usapan lagi kung saan magkikita sa susunod. Kokonti pa daw ang Philippine products sa Hong Kong noon, ang pagre- remit ay bank to bank pa dahil walang pang mga remittance center. Wala pa ring dyaryong Pilipino noon kaya hindi halos nababalitaan ang mga pangyayari sa buhay ng mga OFW.
Dagdag kuwento ni Rhodora, siya ay naloko ng isang kaibigan na umiyàk pa sa kanya at humingi ng tulong dahil daw naospital ang nanay. Dahil sa awa, ipinangutang niya ang kaibigan ng halagang $15,000 sa isang financing company. Nakabayad naman daw ito sa unang dalawang buwan hulog bago biglang nawala.
Call us! |
Nagkamali din daw siya sa pagsali sa isang networking project dahil ayaw mapahiya ang kaibigan. Umabot siya sa antas na tatlong membership na ang katumbas na halaga ay P24,000 o “3 heads” pero wala ding nangyari.
Saklot daw ng pag-alala si Rhodora bago ang Handover ng Hong Kong sa China noong 1997 dahil takot siyang mawalan ng trabaho. Marami din kasing mga employer ang nagsipag-alisan papuntang Canada, Australia at ibang bansa, sa pag-aalalang magiging pangit ang palakad ng China. Saka lamang daw nakahinga ng maluwag ang lahat pagkatapos ng 1997 dahil wala namang malaking pagbabago na naganap.
Call now! |
May pamilya na daw lahat ang limang kapatid niyang lalaki, at marami sa kanyang mga pamangkin ang natulungan niyang makatapos sa pag-aaral. May sarili na daw siyang bahay at lupang sakahan, bukod pa sa naipon para sa kanyang retirement.
Kabilang daw siya sa mga nagantso ng isang ahente ng isang pension fund plan na hindi hinulog ang bayad na premium, mabuti at nakaahon pa siya.
Sa ngayon ay handa na daw siyang mag for good kung sakali, pero ano naman daw ang gagawin niya sa Pilipinas gayong wala naman siyang sariling pamilya? Kaya dito na lang daw muna siya habang may pumipirma pa sa kanyang kontrata.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!