Noong magkasama pa ang mag-yaya. |
Para kay Remelyn Zubiaga Yumul, 54 taong gulang na biyuda, isang mabigat na dagok ang nalaman niyang siya ay may malubhang sakit na kanser sa sinapupunan o obaryo.
Ngunit sa oras ng lungkot ay hindi niya inaasahang may magbibigay ng ibayong saya sa kanya: ang biglang pagdalaw ng dati niyang alagang bata sa Hong Kong, na ngayon ay 31 taong gulang na.
Si Remelyn Zubiaga at ang dating alagang si Philip Tse. |
Sinadya siyang dalawin ni Fai Tse, o Philip Tse, noong Abril 6 sa Roxas City, Capiz, upang magbigay-kalinga at palakasin ang loob ng kasambahay na nag-alaga sa kanya nang 19 taon simula nang siya’y isang sanggol pa lamang siya.
Ayon kay Yumul, na nakitira sa bahay ng kanyang kapatid sa Roxas City, tumuloy doon nang apat na araw si Tse upang maglambing sa dati niyang yaya, bagamat 16 taon nang lumipat sa ibang amo si Yumul.
Call us! |
Natuklasan ni Yumul, isang masayahing tao at matulungin sa pamilya at mga kaibigan, na maysakit siyang ovarian cancer noong Pebrero. Ayon sa kanya, nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan at kapag kinakapa niya ito ay naninigas at medyo lumaki.
Pagkaraan ng dalawang linggo na hindi bumubuti ang kanyang pakiramdam, nagpasiya ang Pinay na magpa-check-up sa Yanchai Hospital sa Tsuen Wan. Nagpasama siya sa kanyang hipag, si Marilyn Zubiaga.
Call us now! |
Hindi niya akalaing ma-admit siya nang araw ding iyon dahil kailangang suriin ng mga duktor ang buong katawan niya para malaman kung ano kanyang sakit. Nanlumo siya nang sabihin sa kanya na may ovarian cancer stage 4 siya at kailangang operahan agad.
Pinalipas ni Yumul ang tatlong araw bago nagdesisyon na umuwi na lamang sa Pilipinas para sa pangalawang opinyon ng mga duktor.
Call now! |
Nagpaalam si Yumul sa amo at pinayagan siyang umuwi noong Marso 8. Binigyan pa siya ang dalawang buwang bakasyon para magpagamot doon sa Pilipinas.
Bagamat sa Pampanga siya may bahay na tinitirahan ng kanyang anak na si Miller, 19, dumiretso ang kasambahay sa Roxas City at nakituloy sa kapatid upang makapagpatingin sa Capiz Doctors Hospital.
Call us now! |
Nalaman sa pagsusuri doon na may cancer nga siya sa obaryo at apektado na rin ang kanyang baga at appendix. Inoperahan siya noong Marso 13 at nakatakda ang kanyang unang chemotherapy sa Abril 22.
Samantala, nabalitaan ni Tse ang pagkakasakit ni Yumul, ang nag-alaga sa kanya at sa kapatid na si Hong Tse nang 19 taon sa New Territories, at nagpasiya itong dalawin ang kanyang “cheche” sa Roxas City. Isang pangyayari iyon na hinding-hindi makakalimutan ni Yumul. – kontribusyon ni Jackie Aquino
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!