Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Walang lusot

18 March 2019

Nanggagalaiting kumunsulta si Banang kamakailan kung paano niya mapapabayad ang isang dating kaibigan na nanuba sa kanya.

Pinagamit daw kasi niya sa kaibigan ang kanyang pangalan at dokumento para mangutang, pero hindi nagbayad, hanggang lumaki ng mahigit sa $15,000 ang utang.

Ayon kay Banang, nagmakaawa lang daw ang kaibigan na tulungan siya dahil ang pasaporte nito ay nakasanla noon at kailan niyang mabawi agad.

Call us!

Kung hindi niya daw ito natulungan ay tiyak na napasama ang pasaporte nito sa mga nasamsam sa isang Intsik na hinuli sa North Point dahil sa pagpapautang sa mga Pilipinas na may pataw na sobra-sobrang interes.

Sa kabila ng ginawa niyang pagtulong ay hindi raw binayaran ng kanyang kaibigan ang utang.

Call now!

Nagpunta si Banang sa Konsulado noong nakaraang linggo para humingi ng payo, at sinabihan siyang magsampa na lang ng kaso sa Small Claims Tribunal, lalo at may pinirmahan naman silang kasunduan na nagpapatunay na ang utang ay para talaga sa kanyang kaibigan.

Maari daw niya itong magamit sa paghahabol sa kaibigan kahit sa Pilipinas.

Call us now!

Pero nang magtanong siya sa isang lider sa komunidad ay sinabi sa kanya na malabong bayaran siya ng kaibigan manalo man siya sa Tribunal.

Ni hindi nga siya mapipilit na magpunta sa korte, at kung matalo man ay kakailanganin daw niya ng tulong ng bailiff para mailit ang kung ano mang kagamitan meron ang kaibigan niya.

Call us now!

Mahirap ding ipatupad sa Pilipinas ang anumang desisyon ng korte sa Hong Kong, lalo na at utangan lang ang dahilan.

Sinabi din sa kanya na malabong samahan siya ng pulis para maningil katulad ng balak niya.

Nasabi tuloy ni Banang na ipahuli na lang ito dahil laging nagsusugal sa Central sampu ng iba pa nitong kaibigan. Malaking aral din daw ang nangyari para hindi na siya lubusang magtiwala pa sa iba, lalo na kung utang ang ipapakiusap sa kanya.  – DCLM

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!
Call us now!

Don't Miss