Nasusuya na si Barbara, 30 at Bisaya, sa mga kamag-anak at mga naging kakilala sa Statue Square sa palaging pangungutang sa kanya.
Palakaibigan kasi siya at maawain, bukod pa sa mukhang mapera kahit kapwa kasambahay nila.
Ang totoo ay malambot ang kanyang puso kaya hindi niya matanggihan ang mga dumadaing.
Ayaw din niyang ma-guilty kapag hindi napagbigyan ang mga mangungutang.
Ang masaklap, marami sa mga umuutang sa kanya ay hindi nagbabayad.
Dito niya naisipan na mangutang din kahit hindi niya kailangan para lang masabi sa mga lumalapit sa kanya ang, “Sorry, may utang din ako.”
Alam niyang kahibangan ito pero para maproteksyunan ang sarili ay inilagay ang inutang sa time deposit para kumita naman ng malaki.
Kung tutuusin daw kasi ang binabayad niyang interes sa utang ay katumbas din ng nawawala kapag tinakbuhan siya.
Natatawa siya sa kanyang istratehiya pero epektib daw. Kalaunan ay natapos din niyang bayaran ang kanyang utang, pero ang buwanang hulog niya ay itinatabi na niya at pinapadala sa kanyang personal account sa Pilipinas.
Sa ngayon si Barbara ay patuloy pa ring nagpapalago ng kanyang kita.
Kung hindi niya ito inilalagak sa bangko ay ini-invest sa iba pang instrumento. Dahil dito, tinatantiya niya na mas mapapadali ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas. – George Manalansan
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
jargonhr@yahoo.com