Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Suwerte sa amo

20 March 2019



Tuwang tuwa si Ana sa kanyang mga amo dahil napaka mapagbigay nila.

Magmula nang itabi sa kanyang pagtulog ang kanyang alagang sanggol ay may dagdag na ang buwanang sahod niya na lampas sa minimum. Kapag sumobra sa dating oras ang pagtatrabaho niya ay binabayaran pa siya para sa overtime.

May mga ilang pagkakataon din na ang hiniram niyang pera sa mga amo ay hindi na pinapabayad sa kanya. K

Call us!

aya naman kahit medyo nahihirapan siya sa dalawang magkasunod na alaga ay lalo niyang pinag-iigihan ang serbisyo para naman makaganti sa kanilang kabutihan.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Ana ay ang sobrang bait ng kanyang mga amo, na ni minsan ay hindi pa niya narinig na tumaas ang boses.

Call us now!

Kapag walang trabaho at nasa bahay lang ay sila na din ang nag-aalaga ng kanilang mga anak. Minsan ay sila pa ang nagluluto ng kanilang kakainin para naman daw makapag relax ng kahit ilang sandali si Ana.

Ang mas lalong nakakapagpataba sa kanyang puso ay ang lagi nilang pangungumusta sa kanyang anak na dalagita.

Call us now!

Tuwing Pasko at kaarawan ng kanyang anak ay pinapaabutan nila ito ng pera. Minsan, nang malaman nila na nasira ang laptop na niregalo nila sa kanyang anak ay agad siyang binigyan ng pera para doon na sa Pilipinas ito mabilhan ng pamalit.

Tunay nga na hulog ng langit ang kanyang mga amo sa kanilang mag-ina, sabi ni Ana.

Call now!

Ngayong katapusan ng buwan ay nakatakdang umuwi si Ana sa Pilipinas para dumalo sa pagtatapos ng kanyang anak sa senior high school, na katulad ng dati, ay inaasahan niyang mag-uuwi ng medalya.

Mag-aapat na taon pa lamang si Ana sa mga amo ngunit naka-apat na beses na siyang bakasyon sa Pilipinas, at pati ang anak niya ay binilhan ng pamasahe para makapag bakasyon sa Hong Kong.

Malas man daw si Ana sa larangan ng pag ibig ay swerte naman siya sa amo. Si Ana ay hiwalay sa asawa, at mag-isang itinataguyod ang anak. Ang mga amo niya ay parehong taga Europa at naninirahan sa Shatin. – Marites Palma

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!
Don't Miss