Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sanhi ng kanser ng mga OFW, nasa mga gusali?

21 March 2019


Ni Vir B. Lumicao

Tila marami sa ating mga kababayang kasambahay dito sa Hong Kong ang nagkakasakit ng kanser na hindi malinaw kung ano ang dahilan.

Nitong mga nakaraang araw, may mga kaibigan o kakilala tayo na nagpapagamot sa ospital dito dahil tinamaan sila ng nabanggit na sakit, o di kaya ay umuwi na sa Pilipinas dahil nasa mga huling yugto na ang kanilang kanser.

May halos 10 buwan na ang nakalilipas nang banggitin sa amin ng isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration, o OWWA, na nababahala siya sa dami ng mga kasambahay na Pilipinang dinadapuan ng kanser sa lungsod na ito, kumpara sa iba pang mga destinasyon ng mga OFW.

Wala pang natitipong estadistika ang OWWA sa bilang ng mga OFW dito sa Hong Kong nagkasakit ng kanser o nasawi dahil sa na kanser kaya hindi natin nakikita ang tunay na larawan ng pananalasa ng sakit na ito sa ating mga manggagawa.

Call us!

May mga kuru-kurong ang dahilan ng pagkakasakit ng kanser ng maraming kasambahay dito ay ang “stress.” Ito ang presyon o parating pag-aalala o pagkabahala sa kanilang mga gawain, trabaho, pera o pamilya na nagiging mitsa ng pagkakasakit nila ng kanser.

Sinasabi naman ng iba na ang sanhi ng pagkakasakit ay nasa kinakain ng mga katulong. Ang iniisip nila marahil ay sagana sa pagkain ang mg katulong. Sa totoo lang, marami sa mga kasambahay dito ang umaangal na kakaunti o walang ibinibigay na pagkain ang kanilang mga amo.

Sa paghahanap namin ng maaaring sanhi ng kanser sa mga nakatira sa lungsod na ito ay isang pananaliksik na isinagawa ng mga taga-University of Hong Kong noong 1993 ang pumukaw sa aming interes.

Call us now!

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa masamang epekto sa kalusugan ng tao ng radon gas, isang “radioactive gas” na hindi nakikita at walang amoy na singaw ng biniyak na batong granito at kongkreto.

Ayon sa mga gumawa ng report, napatunayan ng mga pag-aaral sa ibang bansa na ang pagkakalantad sa radon at mga produkto ng pagkakabulok nito ay nakararagdag sa pagkakaroon ng kanser sa baga.

Ipinapahiwatig ng iba pang mga pag-aaral na may kaugnayan ang radon sa sakit na leukemia, ang kanser sa selula ng dugo o pagkakaroon ng mas maraming puti kaysa sa pulang selula ng dugo.

Call us now!

Ang sintomas ng leukemia ay halos hindi halata sa simula, tulad ng pagkahapo, di-maipaliwanag na lagnat, di-normal na mga pasa, sakit sa ulo at labis na pagdurugo, at pagkakabawas ng timbang at madalas na pagkakaroon ng impeksiyon.

Ayon sa pag-aaral ng HKU, may potensiyal ang Hong Kong na magkaroon ng mataas na lebel ng radon dahil nakatuntong ang SAR say batong granito at ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali ang mga graba, semento at buhanging nagmula sa giniling na granito.

Mas malamang umano ang pagkakaroon ng radon sa loob ng mga kulob na gusali kaysa sa mga bukas ang disenyo o may sapat na hangin.

Call now!

Dahil ang mga tirahan sa Hong Kong ay gawa sa kongkreto, ang mga nakatira sa mga gusaling ito, lalo na ang mga katulong na halos buong araw na nasa loob ng bahay, ay nalalantad sa mataas na lebel ng radon at, samakatwid, mas madaling magkaroon ng kanser kaysa sa mga pinagsisilbihan pamilyang palaging nasa labas.

Sana ay magkaroon ng isang pag-aaral na nakatuon sa posibilidad na ang pagdami ng mga katulong na nagkakaroon ng sakit na kanser ay bunga ng kanilang pagkakalantad sa radon dito sa gubat ng mga bato at kongkretong gusali.

Sa aming sapantaha, maaaring isa ito sa mga sanhi ng kanser ng mga katulong, bukod sa masamang pagtrato ng ilang mga amo tulad ng labis-labis na oras ng trabaho, kakulangan sa pagkain at pagtulog, at kaawa-awa nilang kundisyon.

 ===



I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!

Don't Miss