Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Relasyong Agot-Pilo, ibinunyag sa HK

16 March 2019

Inamin na din ng aktres na si Agot Isidro at senatorial candidate Pilo Hilbay ang kanilang pag-uunawaan nang mangampanya sa Hong Kong noong Mar 10 ang grupong Otso Diretso kung saan kabilang ang binatang abugado.

Matagal na ring nababalita na may namumuong relasyon sa dalawa, pero panay pahaging at pakilig lang ang mga salitang binibitawan nila tuwing tinatanong sila tungkol dito.

Pero sa Hong Kong ay buong tamis nilang ipinakita na sila na nga. Naunang dumating si Agot sa Chater Road, at pagdating ni Pilo ay agad siyang tinabihan sa mesa samantalang nagkakagulo ang mga Pilipino sa pagkuha ng litrato.

May nagtanong kay Agot ng “Yes or no?” na sinagot niya ng isang matunog na halakhak. Pero kitang kita sa mga mata nilang dalawa ang kasiyahan sa kanilang pagsasama.

Sa stage, kung saan naging isa sa dalawang host si Agot, panay ang mga papuri niya sa boyfriend. Bago niya ito tinawag para magsalita, sinabi ni Agot na labis siyang humahanga sa talino ni Pilo.

Call us!

Hindi naman sila nagkakalayo sa talino. Si Agot ay nagtapos sa UP Diliman bago nag-aral sa Fashion Institute of Technology sa New York kung saan nagtapos siyang magna cum laude. Habang busy sa mga TV shows at pelikula, nakuha pa niyang mag master’s sa Ateneo.

Si Pilo naman na lumaki sa Tondo at ang tatay ay messenger at labandera ang nanay, ay nagtapos din sa UP ng kursong economics bilang scholar. Doon din siya kumuha ng abugasya, bago nag number sa Bar examination. Siya ang pinakabatang naging solicitor general ng bansa.

Isang journalist na kaibigan ni Pilo, si Philip Lustre, ang nagsabing noon pa man ay umamin na sa kanya ang senatorial candidate na may namumuong relasyon sa kanila ni Agot. Pero pilit nilang nililihim ito hanggang ilunsad ni Pilo ang kanyang kandidatura sa Tondo, kung saan siya lumaki, at sinorpresa siya ni Agot nang bigla itong lumuhod sa kanyang harap habang inaawitan siya.

Call now!

Bago sila nagkakilala, sumikat si Agot sa kanyang matapang na pagtuligsa sa pamahalaang Duterte. Si Pilo naman ay bumalik sa pagtuturo ng batas sa UP matapos siyang mapalitan bilang solicitor general nang magpalit ng administrasyon.

Si Agot ay dating kasal sa kapwa artistang si Manu Sandejas pero wala silang anak. Si Pilo ayon sa mga balita, ay binata.

KATHRYN–ALDEN FILM KUKUNAN SA HONG KONG 
Positibo ang reaksyon ng mga fans nang i-anunsyo ang pagtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si Alden Richards.

Call us now!

Ang huling pelikula na tinampukan ni Kathryn katambal ang boyfriend na si Daniel Padilla ay ang tinaguriang “highest grossing movie of all time” sa Pilipinas na “The Hows of Us” (Php800 milyon daw ang kinita).

Hindi naman siya dehado kay Alden dahil ito ang pinakasikat na aktor ng GMA Network ngayon, at nagkataon pang ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza, ang kalahati ng phenomenal na parehang AlDub ay nagdeklara nang may tunay na karelasyon ngayon, si Arjo Atayde.

Dahil dito ay malabong matupad ang ilusyon ng kanilang mga fan na silang dalawa ang magkakatuluyan. Nguni’t kung dati ay hindi nila matanggap na ma-ipareha sa iba ang kanilang mga idolo, ngayon ay marami na sa kanila ang nagsasabi na susuportahan nila ang pelikula ni Alden. Ang mga KathNiel fans ay handa ring suportahan si Kathryn kahit hindi si Daniel ang kapareha niya.



Isa sa malaking dahilan kaya tinangggap daw ni Alden ang pelikula ay dahil gusto niyang maka-trabaho ang director nilang si Cathy Garcia-Molina. Fan daw siya ng direktor dahil sa pelikula nitong “One More Chance” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Si John Lloyd daw ang isa sa mga aktor na kanyang hinahangaan.

Ayon kay direk Garcia- Molina, 90% ng kabuuan ng pelikula ay kukunan sa Hong Kong, kung saan ay gaganap na mga batang OFWs sina Kathryn at Alden.

CHOKOLEIT, PUMANAW 
Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigang celebrities, fans at kamag-anak para sa komedyanteng si Chokoleit, 46, (Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay) sa biglaan niyang pagpanaw noong gabi ng March 9. Atake sa puso at pulmonary edema ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nag-collapse siya pagkatapos mag-perform sa Abra Kawayan Festival 2019 sa Bangued, Abra at hindi na nagkamalay matapos isugod sa ospital.

Ilan sa mga celebrities na huling nakausap at nakasama ni Chocoleit sa pagtatanghal sa Abra ay sina Pops Fernandez, Paulo Avelino, Enchong Dee at JM de Guzman. Marami ang nakapuna na tila hindi maganda ang pakiramdam ng komedyante, pero pinili pa  rin nitong ituloy ang kanyang performance. Sa inilabas na video show, halata sa kanyang pagsasalita na nahihirapan siya dahil halos hinahabol na niya ang paghinga, at kahit nagpapatawa ay tila may lungkot ang kanyang mga mata.

Labis na nalungkot ang mga matalik niyang mga kaibigan na sina Pokwang, K Brosas, Pooh,  John Lapus at Vice Ganda nang dalawin nila ang kanyang labi sa unang gabi ng burol.
Namataan din nang gabing iyon sina Shaina Magdayao, Agot Isidro, Ogie Diaz, Ryza Cenon, at ang mga komedyanteng sina Ryan Bang, Atak, Lassy, at Teri Onor. Nakatakdang dalhin ang labi ni Chokoleit sa kanyang bayan sa Davao sa March 15.

Binigyan ng munting tribute ang komedyante sa Kapamilya shows na Umagang Kay Ganda, Showtime, at ASAP, kung saan ay kinanta nina Regine Velasquez, Zsazsa Padilla at Kyla ang awiting “Send In the Clowns” para sa kanya.

Ilan sa mga naunang nagpahatid ng mensahe ng pakikiramay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Angel Locsin, Anne Curtis, Claudine Barretto at AiAi delas Alas.

Si Chokoleit ay nakilala sa pagganap niya bilang si Pearly Shell sa TV series na “Marina” noong 2004.  Napanood din siya sa Kampanerang Kuba, Asintado, at mga pelikulang Volta, Rollerboys, ZsaZsa Zaturnaah, Etiquette for Mistresses,  The One That Ghost Away, at Fantastica.

GABBY, SINAMPAHAN NG KASO NG KAPATID 
Inireklamo ng falsification of public documents ni Miguel Arellano Concepcion ang nakatatanda niyang kapatid na si Gabby Concepcion (Gabriel Arellano Concepcion ang tunay na pangalan). Sa kasong inihain nito sa Criminal Investigation and Detective Group – National Capital Region (CIDG – NCR) sinabi ni Miguel na may anomalya sa pagbebenta ng lupain na nasa pangalan ng kanilang inang si Mrs. Ma. Lourdes Arellano Concepcion.

Ayon kay Miguel, noong panahon na ibinenta ang lote na (may sukat na 890 sq. meters, at nasa P. Guevarra sa San Juan), at nagkapirmahan ng dokumento, nasa Amerika ang kanilang ina, at ipinakita bilang ebidensya ang kopya ng pasaporte nito. Nalaman lang daw ni Miguel na iba na ang may-ari nito nang umuwi siya sa Pilipinas  noong January. Ilang beses daw niyang tinangkang kausapin si Gabby tungkol dito, pero ayaw nitong makipag-usap.

OGIE AT INA, INAMING NAG-DATE NOON
Nagkabistuhan sa presscon ng pelikulang “Kuya Wes” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Ina Raymundo. Inamin nila na naging close sila at nag-date noong kasikatan nila, pero hindi raw umabot sa naging sila na, dahil nabisto raw ni Ina na may non-showbiz girlfriend si Ogie habang nanliligaw sa kanya.

Naungkat ang pagiging chickboy ni Ogie dahil napag-usapan din na may girlfriend itong nangangalang Mia habang karelasyon noon ang ex wife na niya ngayong si Michelle Van Eimeren. Nagkaroon ng dalawang anak sina Michelle at Ogie, pero nagkahiwalay din bago siya na-link sa asawa na niya ngayong si Regine Velasquez.

Sa kabila nito ay naging maganda pa rin ang relasyon ng dalawa kahit may kanya-kanya na silang pamilya. Parehong dalaga na ngayon ang mga anak nilang sina Leila at Sarah, samantalang may anak na din siya kay Regine na si Nate.



Ayon kay Ogie, wala nang dapat ipagselos si Regine ngayon. Masaya rin daw siya para kay Ina dahil successful ang buhay may asawa nito. Si Ina ay kasal sa Canadian national na si Brian Poturnak at may apat silang anak.

Ang “Kuya Wes” ay naipalabas na sa Cinemalaya Film Festival 2018, at kamakailan ay isinali sa 2019 Fantasporto Fil Festival sa Portugal, Spain, kung saan ay nanalo si Ina bilang best actress, ka-tie si AiAi delas Alas para naman sa pelikulang “School Service”.

Ang director nito ay si James Robin Mayo, at produced ng A-Team Productions ni Ogie, Spring Films at Awkward Penguin. Ipapalabas ito nationwide simula sa March 13.


===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

CALL US!
Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!

Don't Miss