Ipinakikilala ni Labor Attache Jalilo Dela Torre ang lecturer na si Arnel T. Corpuz. |
Ni Ellen Asis
Mahigit sa 200 kasambahay ang dumagsa sa Philippine Overseas Labor Office sa Wanchai sa loob ng dalawang araw, ika-9 at ika-10 ng Marso, para matuto ng tamang pag-aalaga ng baka bilang negosyo.
Call us! |
Ang pagsasanay sa tinawag na “small feedlot cattle farming” ay isinagawa sa pangunguna ni Labor Attache Jalilo Dela Torre bilang bahagi ng kanyang programang pangkabuhayan para sa mga migranteng manggagawa, lalo iyong mga nagbabalak nang bumalik sa Pilipinas.
Ang naging tagapagsalita sa pagsasanay ay ang dating OFW na si Arnel T. Corpuz na ngayon ay isang ng negosyante. Ayon kay Corpuz, nilalayon niyang makatulong na hikayatin ang mga migranteng manggagawa na bumalik ng Pilipinas at mamuhay kasama ang pamilya.
Call us now! |
Pero bago ito, dapat daw munang mangarap ang isang OFW, at magkaroon ng kaalaman sa negosyong balak niyang pasukin o simulan kung siya ay magbabalik na sa bansa.
Ayon pa kay Corpuz hindi na kailangan pang magbayad ng mahal para sa tuition upang matuto at mapalawak ang kaalaman dahil marami nang mga paraan para magkaroon ng kaalaman tungkol sa pangarap nilang negosyo, katulad ng panonood ng video sa Youtube.
Call us now! |
Kabilang sa mga natutunan ng mga dumalo ay ang “value adding,” o kung paano makuha ang pinakamataas na potensyal ng bawat baka at kung paano maiwasan ang pagbaba ng produksyon nito sa bansa.
Kasabay nito, ibinahagi din niya kung paano igalang ang karapatan ng mga hayop.
Sa mga nais pumasok sa cattle farming o ang pag-aalaga ng mga baka, mahalaga din daw na malaman nilang matutunan kung paano gamitin ang mga produkto na makukuha sa kapaligiran katulad ng dayami, ipil ipil, mais at kopra, para sa dagdag na benepisyo.
Call now! |
Pinayuhan ni Corpuz ang mga nagnanais na pumasok sa negosyong ito na magsimula muna sa maliit at simple habang wala pang malaking kapital, at matutong pagyamanin ito upang ito ay lumago.
Sinabi ni Corpuz na handa siyang ipagpatuloy ang pakikipagtalastasan sa mga interesado sa negosyo. Mangyaring padalhan lang daw siya ng mensahe sa Facebook page ng kanyang negosyo na Adelaide River Farm.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Call us! |
Call us now! |
Call us now! |
Call us now! |
Call us! |