Tuwing lumalabas sa kanyang araw ng pahinga ay todo porma si Inday. Sa hitsura niya ay parang napakarami niyang pera at hindi nahihirapan sa buhay.
May pagka suplada din ito at astang sikat dahil sa linggo-linggo niyang pag-aayuda sa isang opisina na nagbibigay serbisyo sa mga kapwa niya OFW.
Pero ang dating paghanga sa kanya ng mga ka-building niya sa Pokfulam ay nawala nang nagkalaaman na halos lahat sa kanila ay nahiraman na niya ng tig $50 o $100, at hirap na hirap silang singilin siya.
Dahil sa ugaling ito ni Inday ay iniiwasan na siya ngayon ng mga kapitbahay.
Call us! |
Takang taka naman sila dahil ang balita ni Inday ay tapos na ang anak nito sa pag-aaral kaya hindi na ito dapat nagigipit.
Ang kaso, parang talagang taghirap ito dahil minsan ay nakita ito ng laging hinihiraman na nagbibitbit ng mga dyaryo para ibenta.
Sa tantiya ng nakakita, baka hindi pa daw umabot sa $10 ang halaga ng nakolekta nitong dyaryo.
Call us now! |
Ganunpaman, sinabi ni Inday na pwede na rin itong gamitin na pamasahe sa tram tuwing day-off.
Dahil sa kapayatan ni Inday, naiisip ng kanyang mga kapitbahay na tinitipid nito pati ang pagkain.
Kaya daw din siguro ito mahilig mag-volunteer ay nakakalibre ito ng pagkain at nakakaiwas pa sa mga gastusin.
Call us now! |
Nadiskubre din nila na kaya pala magagara ang mga suot ni Inday kapag lumalabas ay sinusungkit niya ang mga ito mula sa lagayan ng mga damit na binibigay ng mga residente sa kanilang gusali sa mga nangangailangan.
Hindi tuloy nila alam kung matatawa o maiinis sa sitwasyon ni Inday na akala mo kung sino kapag pumapapel sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino sa Hong Kong.
Call now! |
Sana daw ay makakaahon din siya balang araw para hindi na siya nanghihiram lagi ng pera at kumukupit ng damit para lang makaporma.
Sana din daw ay may makahila sa kanya para dumalo sa mga libreng pagsasanay kung paano niya hahawakan ang kanyang kita buwan-buwan.
Si Inday ay mula sa Pampanga, may asawa at anak na ayon sa kanya ay pawang nagtapos na sa pag-aaral. – Marites Palma
Call us now! |
Call us now! |
Call us now! |
Call us! |