Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lulong sa tong-its

03 March 2019

Anim na taon sa amo si Marissa nang bigla siyang ma-terminate dahil napuno na ang amo sa pag-uwi niya ng madaling araw mula sa day-off, at kung minsan ay inaabot pa siya ng Lunes.

Aminado naman si Marissa na marami siyang naging pagkakamali sa trabaho at lagi siyang iniintindi ng amo at pinapaalalahan, kaya hindi niya akalain na masasagad din ito.



Maluwag pa naman sana siya sa trabaho dahil 11 at 13 taon na ang kanyang mga alaga at hindi na kailangan tutukan, bukod pa sa may driver sila na tagahatid-sundo sa eskuwela.

Ang naging problema ni Marisaa ay ang pagkalulong niya sa tong-its.

Tuwing walang pasok ay maghapon silang naglalaro ng mga kaibigan.

Hindi bababa ang taya sa $1,500 tuwing Linggo kaya kapag sunod-sunod ang talo niya ay nangungutang siya, hanggang mabaon na siya nang mabaon.



Nakatanggap man siya ng bayad para sa long service at isang buwang suweldo kapalit ng abiso ay hindi pa rin ito sapat na ipambayad sa kanyang mga utang.

Nakiusap siya ng husto sa amo at nangakong magbabago ngunit buo na ang desisyon nito.



Dahil nasa kolehiyo na ang mga anak ni Marissa ay kailangan niyang makakakuha muli ng trabaho bago matapos ang 14 araw na palugit niya.

Ang payo niya sa mga kapwa OFW, ingatan na huwag malulong sa bisyo dahil ang trabaho ang tiyak na masasakripisyo ng dahil dito. Huwag ding abusuhin ang kabaitan ng amo.

Si Marissa ay 48 taong gulang, may asawa at dalawang anak, at taga Bulacan. Dati siyang namamasukan sa Tai Wai. – Rodelia Villar














Don't Miss